Dalawang-oras na ang nakakaraan wala pa rin si Ian. Natapos na akong magimpake ng aking kagamitan. Nalabhan ko na rin ang mga damit na aking ginamit.
Tumambay ako sa veranda. Pinagmasdan ko ang napagkagandang karagatan. Nakakainganyo ang asul na kulay ng dagat. Napakalinaw noon parang iniimbenta akong magtampisaw. Maya-maya’y nagpasya akong mamasyal sa dalampasigan.
Tinahak ko ang malambot na buhangin patungo sa dulo ng Playa de Caldetes. Tama nga si Ian wala ni isang tao na naliligo sa dagat sa tapat ng kaniyang villa. Wala naman sa aking nakakakilala sa lugar na iyon. Kaya tinanggal ko ang aking balabal. Naglakad ako sa dalampasigan na tanging two-piece red bikini ang aking suot.
Makulimlim ang langit kaya hindi masakit sa balat ang sinag ng araw. Naglakad ako ng naglakad hanggang marating ko ang mataong bahagi ng playa. Akala ko ay walang katao-tao roon. Iyong nasasakupan lamang pala ng villa ni Ian ang wala man lang ni isang turista.
Nagkalat ang mga dayuhan. Ang iba ay may kasuotan ang iba naman ay walang pakialam na hubad-baro na nagbibilad sa init ng araw.
“Buenas Dias, Bonita,” bati sa akin ng isang lalaki. Naka-uniporme ito. If I am not mistaken. He must be one of the employees sa beach bar na natatanaw ko.
“Buenas Dias,” bati ko rin.
“Quires una bebida?” Tanong nito sa akin. Hindi pa naman ako nauuhaw. Wala rin ako dalang pera. I didn’t expect to see a beach bar at the end of the beach side.
“No, gracias,” sagot ko rito.
Napansin ko ang titig nito sa akin mulo ulo hanggang paa. ‘Di nagtagal napako na sa dibdib ko ang mga mata nito. Nagitla ako ng bigla na lamang may nagbalabal sa katawan ko ng tuwalya.
“Belladonna,” aniya.
“Ian?”
“Bakit ka umalis ng bahay? I told you. I’ll take you down here for a walk.”
“Nainip kasi ako. Ang ganda ng dagat kaya naisipan kong maglakad-lakad.”
“Next time. ‘Wag kang maglalakad sa dalampasigan na ‘yan lang ang suot mo,” pagalit na turan ni Ian sa akin.
“What do you expect me to wear at the beach?”
“Don’t you have cover-ups?”
Umiling-iling ako rito.
“Wala naman akong dalang beach wear. I mean complete beach outfit. Nadaanan ko lang itong suot ko sa boutique sa Alhambra bago nadukot ang aking pitaka.”
Wala sa plano ko na mag-stay malapit sa beach. Pinaalala lang sa akin ng dalampasigan ang unang pagtataksil sa akin ng aking asawa. Isinama ako ni Giancarlo sa Boracay. Weekend vacation raw namin iyon para sana sa anibersaryo ng aming kasal. But Monique showed up. Naiwan akong mag-isa sa hotel. That was a year ago. Since, then I hated the beach.
Hinila ako ni Ian palapit sa kaniya. Matapos ay tiningnan ng masama ang empleyado sa beach bar.
“Quires una bebida, Señor,” tanong nito kay Ian.
“Nauuhaw ka ba?” Malambing na tanong nito sa akin.
“No, I’m fine. Let’s go back to the villa.”
“Sigurado ka ba?”
“Yeah, if you insist. Ikaw na lang gumawa ng fruit shake, Ian,” tinitigan ko ito at nginitian. I planted a soft kiss on him because he saved me from that guy who was eye-r****g me,”sa bahay mo.”
“From now on, it’s yours too,” aniya. Tinutukoy nito ang villa niya.
“It’s too early for you to share me the things you own, Ian. Hindi mo pa ako lubos na kilala.”
“We’ll get there. We will get to know each other. Slowly,” anas nito matapos ay hinalikan ako sa noo. Ginagap niya ang palad ko. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay. “Let’s go back home.”
Home. Tahanan. Iyon ang wala ako. Bata pa ako wala na akong matawag na tahanan. May mansyon kami subalit hindi ko iyon matatawag na tahanan. Mas tahanan pa sa aking ang mansyon ng mga Palermo. Dahil kahit parating umaalis si Ninong Hugo para sa kaniyang negosyo. Sa mga nakalipas na taon na nakapisan ako sa kaniya. Kahit kailan hindi siya nawalan ng oras para sa akin. He treated me well. More than his own child.
Kaya kahit nalaman kong pinangbayad utang ako ng aking ama sa kaniya. Hindi ko nagawang kasuklaman ang ninong ko. Mas kasuklam-suklam ang ginawa ni Papa sa akin. Dahil sa kaniya wasak na ang buhay ko. Natali ako sa maling lalaki sa mahabang panahon. I might have found the man suited for me. Subalit hindi ko naman magawang masabi sa kaniya na kasal na ako. May asawa na ako.
I indeed committed a******y so did Giancarlo. Mas nauna siya. Binahay niya pa.Buo na ang aking pasya. When I get back to Vienna. Ipapawalang bisa ko ang kasal namin ni Giancarlo. Not because I plan to be with Ian pero dahil gusto ko ng maging malaya. Malaya sa maling relasyon. Malaya sa madilim kong tatlong taon.
A millisecond after, naramdaman ko ang flash ng ilaw. I am so sure, flash ng camera iyon.” Cover me up, Ian,” utos ko rito.
“What’s happening?”
“I told you, I am a model. May nakakilala sa akin. We have to hurry back to your villa.”
I am not just a model but a supermodel and tourism ambassador. Kilala ako sa buong Italya bilang tagapagmana ng mga Lombardi and the strange wife of Giancarlo Palermo, the heir of Palermo Winery. Kung nasa winery industry rin si Ian. Malamang kahapon pa ako nito nakilala.
Hinubad nito ang suot na sombrero at sunglasses. Nilagay niya iyong sombrero niya sa ulo ko matapos ay inabot sa akin ang kaniyang salamin. Then I saw another flicker of light flashing on us. Kaya tinanggal ko ang tuwalyang binalabal sa akin ni Ian. I used them to cover both of us. Hand in hand we ran off back to the villa as fast as we could.
“Wow! That was intense,” aniya.” I never experienced paparazzi.”
“Now you did,” sagot ko na tatawa-tawa kahit na nagaalala ako na baka makarating ang mga larawang iyon kay Giancarlo.
“Pumasok na tayo sa loob ng bahay. They can’t possibly follow you here. Pribado ang lugar na ito. I can sue them for tresspassing.”
“Now, I’m thirsty,” nabulalas ko.
Nang makapasok kami sa bahay. Agad na tinungo ni Ian ang refrigerator. He pulled out fresh milk from there and ice cream in the freezer.
“Just a minute, Aria. Your fruit shake is coming up,” aniya.
“Nagbibiro lang ako kanina. Water is fine.”
“I insist.”
I saw him grab the mango on the counter. Matapos ay mabilis nitong ginayat iyon. Ian handed me a glass of fresh mango milkshake in less than three minutes.
“Hmmm. . . puwede ka ng mag-asawa,” biro ko rito.
“In that case. . . can you be my bride?” agad na tanong nito sa akin.
“Maliligo na ako. Salamat sa milkshake, Ian.”
Iniwasan ko ang tanong niya sa akin. Paano ko ba sasabihin sa kaniya?
’I can’t be your bride because I am someone else wife.’
Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Kung kailan mahal ko na si Giancarlo saka ko naman nakilala ang lalaking ‘di ko man kilala ng lubos alam kong pahahalagahan niya ako.
“Belladonna,” tawag nito sa akin.
I stop without uttering a word. Tinitigan ko lamang siya.” I left your cash by your bedside table,” aniya.
“Salamat.”
“You don’t have to thank me. Aria, it’s a loan.”
“I still need to thank you, Ian.”
Tinalikuran ko na siya ignoring his question earlier. Pagpasok ko sa kuwarto puno iyon ng red and white roses petals. Mula sahig hanggang sa ibabaw ng kama. May isang kumpol ng malalaking pulang rosas sa ibabaw ng higaan. Then there was a note.
[ This might feel weird to you. But I am so into you. Let me love you, Aria.]
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako? Maluluha ba ako? Tatawa ba ako? Kikiligin ba ako?
Kung single ako. Malamang nagtatalon na ako sa kilig at tuwa. Pero dahil kasal na ako. I felt guilty. Ramdam na ramdam ko ang aking kataksilan. Ian was right. I can’t fix what has gone wrong with another mistake. Daragdagan ko lang ang sakit na aking nararamdaman.
“Nagustohan mo ba?”
Nang marinig ko ang boses niya saka ko lamang naramdaman na umaagos na pala ng walang humpay ang mainit na tubig mula sa aking mga mata.
“Hey, why are you crying? Sabi ko sayo pumapangit ka kapag umiiyak. Akala ko naman matutuwa ka. Let me clean up. I didn’t know you dislike roses,” aniya.
“I-I. Hindi ko pa kasi naranasan masurpresa, Ian. I didn’t know how to react. I like. I really do like it. Thank you.”
“’Wag ka ng umiyak,” pinunasan nito ang mga luha sa aking mga mata gamit ang kaniyang hintuturo.” Mas maganda ka kapag nagkangiti,” aniya.
Then he pulled me closer to him with a warm embrace.
“I’ll do whatever it takes to replace him in your heart.”
Tila umurong ang aking mga labi. Nilagay ko sa hukay ang aking sarili. Nilubog ko ang puso ko sa isang kumunoy. ‘Mapapalitan pa ba? Kaya ko bang ibigin siya?’ Paano ako hindi mahuhulog sa estrangherong ito? He just knows exactly how to comfort me. Iyong yakap niya pa lang nagiging payapa agad ang pakiramdam ko.
“Why don’t you get ready, Aria? Let’s stroll around the city,” anyaya nito sa akin.”Oh, make sure you wear your sunglasses. Baka may paparazzi na naman.”
“I’ll be quick. Didiretso na ba tayo sa airport?”
“Yeah,” sagot nito sa akin.
“Paano ‘yong mga niluto mo?”
“I will leave a note sa housekeeper to take the food with them,” sagot nito.
“Oh. . . okay. I don’t want the food to go to waste.”
“I hate wasting food too. Puwede ko naman e drop off sa mga panhandler kung walang pupuntang tagalinis ngayon.”
“Ang dami mo kasing niluto. Dalawa lang naman tayo. I am still full sa agahan inihanda mo.”
“Next time I know. Kaunti ka lang pala kumain.”
“Not when I’m starving,” sagot ko rito,”katulad kahapon muntik na kitang hindi tirahan ng pagkain.”
“Ba-Aria, it’s fine. You could have eaten ‘em all.”
Was he about to say, ‘baby or babe?’
“I’ll take my leave. Thanks for the flowers, Ian. You made me happy . . . again.”