Kabanata 6 | Playa de Caldetes

1437 Words
I don’t know how to thank Ian. So, I kissed him. I caught him off guard. Naistatwa ito sa kaniyang kinatatayuan. Matapos kung bumulong ng pasasalamat tinalikuran ko na siya. Kisses are nothing to me. Sana’y na ako sa mundo ng fashion industry. Smacks are normal. Our kisses were too passionate that I almost gave in. Hindi naman ako nakikipaghalikan kung kani-kanino lang. Iyon lang ang nakasanayang kong kultura sa industriya. Back in Italy, a kiss is a way of saying thank you. Tumatakbong akong pumanik sa hagdan. Matapos makapasok sa silid na sinabi ni Ian. Inilibot ko ang paningin sa kuwarto. Napakaganda noon. Parang iyon ang master bedroom. Nabighani ako sa ganda ng tanawin sa veranda. Sa harap mismo iyon ng dagat. Kitang-kita ko ang malalaking alon na bumabayo sa malalaking bato sa dalampasigan. Napakaganda. Nakakahalina. Tila nawala ang lahat ng balakid na aking daladala. Tila nalimutan ko ang dahilan ng paglayo ko kay Giancarlo. Kung noon ay dinadala lang ng asawa ko ang kaluguyo nito sa bahay namin. Noong nakaraan ay doon na ito pinatira ni Giancarlo. Hindi ko naman masabi kay Ian na may asawa na ako. Nobyo. Nobyo, katipan ang sinabi ko rito. Nakakahiyang aminin na ako ang asawa ngunit iba naman ang nasa kama ng aking asawa. Pinalipat ako ni Giancarlo ng kuwarto. Sa silid namin doon nito pinatuloy ang babae niya. Nang ungkatin ko ang patungkol sa gusto kong magka-anak. Nagalit si Giancarlo sa akin. Sinabi ko sa kaniya na magbabayad na lamang ako ng sperm donor para magkaanak ako na mas ikinagalit nito. Tinuloy ko ang balak ko sa pagaakalang hindi lang match ang genes namin ni Giancarlo. Subalit doon ko nalaman that I am barren. Ikana lugmok ko iyon kaya ako nagpasyang umalis ng bansa. I left him. Pinalipat ko ang lahat ng aking kagamitan sa condominium unit na matagal ko ng hindi tinitirahan. Akala ko makakaya kong tumira sa iisang bubong kasama ang kabit ng asawa ko. Ngunit hindi ko kaya. Lalo na ng sinabi ng kalaguyo nito na buntis siya. Insulto iyon sa akin. Ako ang asawa pero hindi ko siya mabigyan ng anak. Nanliit ako sa aking sa sarili. Sa kabila ng kasikatan sa mundo ng pagmomodelo. Sa kabila ng karangyaan ko sa buhay. Hindi ako buo. May kulang. Nagpasya na akong tumigil sa aking karera at bigyang oras ang aking asawa ngunit ito naman ang nawalan ng oras sa akin. Hindi niya ko agad minahal si Giancarlo mula’t simula. Isa lamang kasunduan ang pagpapakasal ko sa lihitimong anak ng mga Palermo.It was a contract marriage.Ako ang pinangbayad ng pagkakautang ng aking ama. Mula ng maikasal kami hindi ko hinayaaan na galawin ako ng aking asawa. Iginalang naman iyon ni Giancarlo. Sa tatlong taon naming pagsasama natutunan kong mahalin siya. Perpekto na sana ang lahat. 'Yon nga lang naghanap ito ng parausan. Dinala pa sa bahay namin. Ginawa ko naman ang lahat upang mapaligaya siya maliban lamang sa pakikipagtalik ko sa kaniya.Akala ko sapat na iyon. Kulang pala. "Penny, for your thoughts," ani Ian. Nakaligo na ito at naka bihis ng damit pang bahay. Nakakadarang ang amoy ng pabango nito. Isang kakaibang pakiramdam na kahit kailan ay hindi ko naramdaman kapag kasama si Giancarlo. Pasimple ko siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. “’Wag mo akong masyadong titigan. Baka matunaw ako, Aria.” “Hindi naman kita tinitigan,” pagkakaila ko.”I am staring at that painting.” “Oh, that, binigay lang ‘yan ng isa sa mga kliyente ko rito.” “Maganda. Napakaganda ng pagkakapinta. I like abstract paintings they tell a story.” "Yeah, they do tell a story," he replied. Matapos ay pinasadahan rin ako ng tingin. “You didn't wash up yet?" "Ah, hindi pa. Nagbighani ako sa ganda ng bahay mo." "Food is ready if you want to join me." "I'll be right out." "Sa dalampasigan tayo kumain. I have your wine and tequila," ani Ian. "Salamat. Susunod ako." # # # Nahihiya man ako dahil sa mapangahas na pagtugon sa mga halik nito sa akin kanina. Naglakas loob akong puntahan si Aria sa silid niya. Matapos kung sabihin na handa na ang pagkain.Umalis na ako at nagtungo sa kusina. Nilagay ko sa picnic basket ang pagkaing hinanda ko. May kakaibang saya akong nararamdaman sa kaloob-looban ko. Tila nakahanap ako ng kaligayahan sa hindi inaasahang pagkakataon. Binuksan ko ang storage at kinuha ang beach blanket pati na rin ang tent. Matagal ko na iyong hindi nagamit. Matapos ay pumunta na ako tapat ng bahay malapit sa buhanginan. Inilatag ko ang beach blanket sa buhangin. Matapos nilagay ang picnic basket sa ibabaw. Sinimulan kong buohin ang tent. Sa mismong dalampasigan ko mismo balak matulog upang namnamin ang nakakarelax na klima sa Barcelona. Maya-maya pa ay narinig ko na ang yabag ng paa ni Aria. Her body sways as she walks towards me. Para itong nag-catwalk sa runway. Umindayog ang balingkinitan nitong katawan. Hindi nakakasawang pagmasdan ang balakang nitong tila sumasayaw. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na nililipad ng hangin. Nakabistida na ito na kitang-kita ang bilogan at mahahabang biyas nito. Napakakinis ng balat ni Aria. Para iyong perlas na kumikinang. "Wow! Candlelight dinner at the beach?” “Yeap, candlelight dinner for a gorgeous woman.” “Awe! So, sweet of you, Ian." Inabotan ako nito ng kopita na may lamang red wine."Para sa'yo," ani Ian. Inamoy ko iyon.” Hmmm. Fonseca Bin 27?” “How did you know?” “Have I mentioned my mother is a wine enthusiast?” “You did. May winery ba kayo?” “My winery ang nobyo ko,” ani Aria. “Can we not talk about our failed relationships?” “Okay. Salamat. I just met you, but you make me happy." "Mas gusto kong makita kang nakangiti. Mas gumaganda kapag nakangiti." "Binola mo pa ako." "You are a stunning woman. Don't put yourself down,” ani Ian. Tinitigan ko si Ian matapos ay nagtanong ako. "Bakit ka naglagay ng tent? Diyan ka ba matutulog?" "Hmm. . . you can join me. If you, please." "Taking my offer, then?" umiling si Ian sa akin at kinunot ang noo at ilong nito. ” Nah-uhh, not that I don’t want to. But Aria, I respect you.” Masakit pala ang tangihan. Akala ko maakit ito sa aking ganda ko. Kaya nga ako nagsuot ng bistida upang akitin siya. Pero siguro may mga lalaking hindi agad nadadarang sa kagandahan. Ilang siguro si Ian sa mangilan-ngilang kalalakihan na hindi nagpapadala sa tawag nga laman. "You have wine glass?" tanong ko rito.” Will you join me?” "Yes, sa loob ng basket. I have one more goblet.” Inilabas ko ang pagkain sa loob ng basket. I found a bottle of Santa Margherita Pinot Grigio aside from the Fonseca Bin 27 Port wine he handed me. "Paano mo nalaman ang gusto ko?" takang tanong ko kay Ian. "Wild guess." "Parang kilalang-kilala mo ako. This shrimp pasta is my favorite too." "Well, then. Eat up. Enjoy the beach. Forget about your worries." "Yes! I will! Let's get wasted, Ian,” ani Aria. “Taposin ko lang ito. I’ll join you.” Matapos buohin ang tent. Naupo na si Ian sa tapat ko. Inabot ko sa kaniya ang isang kopita ng alak. Kumain kami habang panay ang tawa ko sa mga kinukuwento nito. He has a sense of humor aside from being good looking. May tinatago pala itong karisma. "You look better when your happy," ani Ian. "I wish I had met you before." Nabalot kami saglit ng katahimikan. We ate and drunk the wine. We shared a few more talks. Marami pa akong nalaman tungkol sa kaniya. Lihim akong humanga kung paano siya naging matagumpay sa kaniyang lending company. It was too late when I realized nagkukuwento na pala ako ng tungkol sa buhay ko. "Sana nakilala rin kita noon pa, Aria." "Do you have plans tomorrow?" tanong ko sakaniya. "Other than taking you to Sagrada Familia? No, I don't have. Gusto ko lang mag-relax maghapon dito sa playa." "Ugh! I didn't bring swimwear with me." "We can go shopping tomorrow. If you like," ani Ian. "No, nakakahiya naman sayo. Pinatira mo na nga ako rito. Ipag-shopping mo po ako." "Take it as a gift. If not, then I will lend you some cash. Pay me back whenever you can." "Oh, that's better. Sige, pahiramin mo na lang ako since hindi ako puwedeng magkapagwithdraw. Don't forget to give me your contact para mabayaran kita agad." "You don't need to pay me right away." "Bakit naman?" "So, I have reason to ask you out," ani Ian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD