Kabanata 5 | Night Market

1460 Words
"You're starving?" Kay sarap sa pakiramdam na mayro’n isang taong nagmamalasakit sa akin. Kailan ba may huling nagtanong sa akin kung kumain na ako? Maliban kay Nanay Binday? Wala ng iba. Ngayon ko lang na-realize my life has been lonely for so many years. Siguro hindi ko iyon napansin dahil puro naman ako aral, modeling, runway, photoshop kasabay noon ang makarating ako sa iba’t ibang lugar. Nasanay akong kung saan-saan pumupunta. Nakasanayan ko ng mag-isa at walang kasama. Pero bakit ganito? Why do I feel a missing piece? Now, I feel the emptiness inside me. Worse, I pity myself. Konting panahon lang ako pinahalagahan ni Giancarlo. Kakarampot na oras lamang. Nginitain ko si Ian bagaman nilalamon na ako ng hiya. I never ever had this embarassing experience before. Dahil kahit kailan hindi naman ako nagutom dahil salat sa pagkain. Kadalasan sadyang hindi ako kumakain para impis ang tiyan sa mga daring na photoshoot. Iyong mga pose na kailangan magpakita ng katawan.      "Are you sure? Okay, ka lang?” Nakakunot ang noo nitong sinulyapan ako. “Hmmm. Okay pa ako,” sagot ko rito. Kahit ang totoo nanlulumo na ako sa sunod-sunod na pagkulo ng aking tiyan. “We'll pick up the car. Then, we can grab something to munch on our way to the villa." Mabilis lamang ang proseso ng pagpick up ni Ian sa sasakyan. Inilagay niya sa trunk ang bagahe namin. Matapos ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Matagal ko ng hindi nararanasan ang maging espesyal. Kagaya nitong ginagawa niya sa akin. # # # Top-down ang nirentahan kong karo. Iyon ang usong sasakyan dito sa Barcelona. Hindi ito ang unang apak ko sa banyagang bansa. Makailang ulit na at ang villa ay pag-aari ko. May caretaker ako roon. Isang mag-asawang Pilipino na dating kasamahan namin sa bahay ng aking ama sa Italya. Ilang minuto ang lumipas pinarada ko ang sasakyan malapit sa night market. "Kumain muna tayo," alok ko rito. Tinuro nito ang nakahelerang mga tindera sa kalsada.” Diyan?” Nakangiwing sagot nito sa akin."Street food?" "Yes, they have tasty food. Local food. If you don't like it. Then we can go to the grocer. Ipagluluto na lang kita." "No. I'm starving. You pick the food for me, please." Bumili ako ng iba't ibang klaseng pagkain. Hindi ko alam kung anong magugustohan ng babaeng kasama ko. Pinabalot ko iyon at binalikan si Aria. Nagpaiwan ito sa sasakyan. Nahihilo raw at hindi na kayang maglakad pa. "Here, pumili ka na lang," abot ko rito ng pagkain. "Wow! You bought everything for me?" "Hindi ko alam kung ano'ng gusto mo. Eat what you can. Mamaya na ako kakain." Nakangiting binuksan ni Aria ang unang balot ng pagkain. It was tamales.  "Beef, chicken, or pork?" "Chicken, I think." "Salamat, Ian." "Don't mention. Kumain ka na. Dito ka lang. Mag-grocery lang ako saglit. What kind of drink you want?" "Wine," sagot nito,” and tequila." "I mean juice or water? Soda?" "Water is fine." Iniwan ko na si Aria sa sasakyan. Nagmadali akong bumili ng mga pagkain sa grocery. Malayo sa mga kabahayan ang aking villa ngunit nasa kahabaan iyon ng Caldetes Beach. Makikita ang bughaw na dagat. Isang perpektong bahay bakasyonan sana para sa amin ni Monique. Binalak kong kumuha ng tagapamahala sa aking negosyo sa Pilipinas. Gusto ko na sanang bumuo ng sarili kong pamilya matapos pumanaw ang nanay ko. Ilang taong rin nakipaglaban sa sakit sa puso si Inay.Kamakailan lang ay inatake ito sa puso. Iniwan niya na ako ng tuluyan. Kapapanaw pa lamang ng aking ina ng magdesisyon si Monique na iwan ako. Ang dahilan nito ay wala akong oras sa sa kaniya.  Kaliwa't kanan ang meetings ko kaya nawalan ako ng oras kay Monique. Pero hindi ako nagkulang sa kaniya. Pinagbigyan ko ang lahat ng luho ni Monique. Pinagaral ko siya. Binigyan ng marangyang buhay. Malaya siyang magdesisyon. Kailanman hindi ko siya pinagbawalan. Katulad ng naranasan ni Aria sa kaniyang ama, binili ko rin si Monique. Naawa ako sa dalaga kaya binayaran ko ang bugaw nito. Kusang ibinigay ni Monique ang sarili niya sa akin. Ilang taon rin bago ko nagawang galawin ang aking dating nobya. Iginalang ko ito. Minahal ko si Monique sa kabila ng pagtutol ng aking ina.  Dinampot ko ang mga kakailanganin ko sa pagluluto. Babalik na lamang ako sa bayan kinabukasan.Matapos makapamili ay bumalik na ako sa sasakyan.  "Here's your water.” “Salamat,” aniya. Inabot nito ang bote ng mineral water. Binuksan niya iyon at nilagok ang laman. Tila uhaw na uhaw ito. Nang tingnan ko ang supot na bigay ko rito. Halos naubos niya na ang Spanish streetfood na binili ko kanina. I fastened my seatbelt. Matapos ay nagmanaheno na. “I have your wine and tequila.” “Oh, thanks,” sagot nito na may banayad na ngiti. Matapos ay inangat ang kaniyang mga braso sa ere. “I miss Barcelona!” hiyaw nito."I'm glad to be back here in Catalonia. Hey, Ian. We should stop by in Sagrada Familia." "Sounds good. Maybe tomorrow. Oh, Aria, hindi ko alam ang tipo mong inumin kaya kumuha na lang ako ng ilang klase. Sana iyon ay tipo mong inumin." "I'll drink whatever, Ian,” aniya. Matapos ay tinitigan ako nito. Nakatigil ang aming sasakyan dahil na ka-red light. Malapit ng magtakipsilim kaya malamlam na ang langit at malamig na ang simoy ng hangin. Bago pa mag-green light nginitian ako nito. ” I can drink you too," Aria whispered seductively. Muntik ko ng maapakan ang accelerator sa pagkabigla. Malinaw ang pakakarinig ko sa sinambit ni Aria. ‘I can drink you too.’ Nginitian ko  lamang ito at hindi nagsalita pa. Baka nanunukso lamang ito at sakyan ko naman. Halos kalahating oras ang lumipas nakarating na kami sa villa. Ilang metro lamang ang layo nito sa dalampasigan.            “We’re here. Welcome to my abode.” # # #   ‘Playa de Caldetes.’ Iyon ang bumangad sa arko papasok sa private villa. Akala ko ay maliit lang iyon kagaya ng cottage. Hindi ko inakalang parang mansyon iyon sa laki. Ang sabi kasi nito 'villa.'  "Napakalaki naman ng villa na 'to. May nakatira ba rito?" tanong ko sa kaniya. Manghang-mangha ako sa pinaghalong moderno at klasikong desenyo ng bahay. "Mayro’n.Pinagbakasyon ko muna." "Ang sabi mo ni rentahan mo." "I’m sorry. I lied. I own this place, and I own a lending company. Hindi ako factory worker." "Oh, I thought so. You are a hotshot.” Tama ako. Sa damit pa lang at kilos nito ay alam ko ng hindi siya factory worker. “Hindi naman hot shot. Small time businesss owner lang,” ani Ian. ”Napakalaking villa naman nito. Mansyon yata ang ibig mong sabihin, Ian.” # # # Nginitian ko na lamang siya. Hindi ko alam kung bakit ako umamin agad sa kaniya. Inaasahan kong magiging interesado ito sa pag-amin ko. Subalit wala man lang itong reaksyon. Factory worker? It’s a lie. Dahil mayaman ako. Sobrang yaman at maimpluwensya. Pawang hindi naman interesado si Aria sa sinabi ko. I figured she is not a materialistic woman hindi kagaya ni Monique. “Dreamhouse mo?" she asked. "Hmmm. . . yes. Feel at home. Ikaw na pumili ng silid na gusto mong tulugan. I prefer the one upstairs. May veranda. You'll like the view." "Ika-ilang pinto?" "Second to the right ng hagdan." Binitbit ni Aria ang kaniyang maleta. Pinigilan ko siya. Ilang baitang rin pataas sa ikalawang palapag. "I'll bring them over. You can explore the house. Ipapasok ko lang ang mga pinamili ko." "Okay. Hindi ka ba kakain?" "Magluluto lang ako ng pasta. Saglit lang 'to. If you want to eat again. You are welcome to join me." "Sana ako na lang ang nobya mo. Napaka-maasikaso mo, Ian." "Gutom at pagod lang 'yan,” sagot ko rito. "I'll wash up. See you in a bit. Ako na 'to naabala na kitang masyado. Tama nang pinakain at pinatuloy mo ako rito. How can I repay you?" "Hindi ko kailangan ng bayad. A simple thank you is enough." Bagkus na magpasalamat.Ikinawit ni Aria ang mga braso nito sa leeg ko. Biglang kumabog ang aking dibdib. Hindi ko inasahan ang pagdikit ng mga labi nito sa labi ko. Masuyo niya akong hinalikan. Nadala ako sa mapusok niyang halik sa akin. Kaya tinugon ko ang bawat galaw ng kaniyang mga labi. Kisses that I can’t seem to find a word to explain. Halik na tila ako dinadala sa alapaap. Sa isang saglit nalimutan ko ang pighati na aking pinagdaraanan. Makalipas ang ilang sandali humiwalay na siya sa akin. Subalit hinila ko siya papalapit. I held her still and iniated another kiss. It’s more intense. Mapaghanap kaysa sa una. Naghiwalay kaming dalawa na parehong naghahabol ng hininga. She smiled at me. Then she whispered, "Salamat, Ian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD