Eris. Naalala ko noong mawala si Dad... Sinisi ko si Rina. Para sa akin ay kasalanan niya—iyon ang ginusto kong isipin. Hindi ako nakinig sa mga paliwanag ng kapatid ko. Hindi ko pinakinggan kahit si Mommy. I was hurting, pero hindi lang naman ako ang nasaktan sa pagkawala ni Daddy. I only thought of my feelings. I only thought of my pain... "Attorney, 'yong naging client natin dati." si Karen. Sinamahan niya ako sa isang bookstore—I needed to buy some school supply for Jarvis. Tapos na ang trabaho namin sa law firm at ihahatid ko rin siya pagkatapos naming mamili. Tiningnan ko na rin ang tinutukoy niya. Isang pamilya ang nasa parehong bookstore—the parents were tailing their kids who's busy with the books and supplies inside the store. Nagtagal ang tingin ko doon... "Akala ko tala