"Ano 'yan, Selena?" I asked her. Bigla akong umupo sa armchair na katabi ng kaniya at sinilip ang sinusulat niya. Mabilis niyang tinago ang notebook niya. Nangunot naman ang noo ko—I think I saw Axel's name... "Wala, Eris!" she said, sounding defensive. Our school bell rang, hudyat ng lunch break. "Selena, let's go!" Pero abala pa siya sa mabilisang pagsusuklay at pag-s-spray ng cologne. "Tara na." she said when done. Siya na mismo ang humila sa akin palabas ng classroom namin. Sinalubong kami ni Axel na galing sa kabilang building kung saan ang mga seniors. Agad siyang may ngiti para sa 'kin. I smiled at him and he got my bag. "What do you want for lunch?" malambing niyang tanong habang hinahapit ako palapit sa kanya. I can't help my smile. I kissed his cheek quickly. W