PMS3-19 ISANG LINGGO na ang lumipas pero lugmok na lugmok pa rin siya. Pinipilit niyang pumasok sa trabaho pero ayaw ng katawan niya. Laging nasa utak niya kung kumusta na kaya ngayon ang binata. Okay kaya ito? Nakakakain ba ng tama? Masaya kaya ito na wala na siya? Hindi na niya alam. Bigla namang may nag-doorbell. Alanganin pa siyang lumapit pero binuksan niya pa rin ang pinto. Mula sa postman ang bumungad sa kanya. "Bakit po?" tanong niya. Mabigat talaga ang katawan niya at bahagya pa siyang kumapit sa hamba ng pintuan. "Ma'am, padala po mula sa city," anito pa. Hindi siya kumibo at kinuha lang ang envelope matapos niyang pirmahan ang receiving sheet. Isinirado na niya ang pinto. Nang buksan niya ang envelope ay agad na nabasa niya ang closure of property. Illegal of building near a