PMS3-19.1 LIMANG BUWAN na siyang buntis at mag-isa. Wala siyang balita kay Cameron. Ayaw din naman niyang dumalaw sa construction firm nito. Ayaw niya rin namang tawagan ang kaibigan niyang si Julie. And she guess, kahit ang kaibigan niya ay wala ring alam sa nangyayari. Alam na alam niya ang magiging reaksyon nito kung sakali mang alam na nito ang balita tungkol sa kanila ni Cameron. Pero masiyadong tahimik at parang siya lang at si Cameron ang may alam ng problema nilang dalawa. Kung kailan nasa stage na sila ng pagbuo ng isang matatag na relasyon, saka pa mawawasak dahil sa kapalpakan ng mga desisyon niya. Heto siya ngayon sa isang mall sa bayan. Namimili siya ng mga gamit para sa kambal niya. Sobrang saya pa niya nang malaman niyang puro lalaki pala ang kambal niya. Nakapagpa-ultraso