Nagising ako nang tumama sa mukha ko ang mga sumilip na sinag ng araw mula sa maliit na bintana ng kwarto. Agad akong napatingin sa paligid para tingnan kung nasaan ako dahil hindi pamilyar ang kwarto. Pero natigilan na lang ako nang biglang bahain ng mga imahe ang isip ko—mga imahe ng mainit na tagpo sa pagitan namin ni Mr. Muller sa banyo kagabi. Mabilis na umakyat ang dugo sa mukha ko kasabay ng dahan-dahang panlalaki ng aking mga mata. Natutop ko na lang ang bibig ko bago ako impit na sumigaw dahil sa labis-labis na kahihiyang nararamdaman ko. We did it. We had séx—in the shower room. Mabilis akong bumangon at agad na tiningnan ang sarili ko sa salamin. Sobrang buhaghag ng buhok ko at may iilang pulang marka sa leeg at dibdib ko kaya inayos ko na lang ang puting robang suot ko bago a

