Siguro’y dala na rin ng impluwensiya ng alak kaya kaybilis kong nalunod sa mga halik na ibinigay sa akin ni Mr. Muller. Nakakapanghina ang bawat hagod ng mga labi niya na tila ba’y hinihigop ang aking lakas; ang hangin sa buong katawan ko. Bawat galaw ng malalambot niyang mga labi ay nilulunod ako nang nilulunod. Hindi ko na alam kung makakaahon pa ba ako. “It keeps playing in my head...” bulong niya sa akin nang saglit na maglayo ang mga labi namin. Damang-dama ko ang mainit niyang hininga kahit pa nasa ilalim kami ng shower. “Kahit ilang beses kong kalimutan ay hindi ko magawa,” dagdag niya bago ako muling siniil ng halik. Pero sa pagkakataong ito ay mas naging mapusok siya. Ramdam ko ang gigil niya sa bawat hagod na ginagawa niya. Napapikit na lang ako at napakapit sa batok niya haban

