“Do you drink?” tanong sa akin ni Marco habang mini-mix niya ang iba’t ibang alak sa isang lalagyan. Naglagay rin siya ng sliced apples at oranges. Nakaupo lang ako sa deck ng yate habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya. “A little,” sagot ko sa kanya bago ko nilingon ang tatlo na naghahanda ng ihawan dahil magkakaroon daw kami ng mini party. Si Marco ang in-charge sa paghahalo ng mga inumin mamaya habang ang tatlo naman ay sa mga kakainin namin pati na rin sa pulutan. Habang ako ay nakaupo lang dahil hindi nila ako hinahayaan na tumulong. Magpahinga lang daw ako. Sino rin ba naman ako para tumanggi, ‘di ba? E ‘di hintayin na lang ang grasya. Habang pinagmamasdan ko silang tatlo ay hindi na ako nakatiis at lumapit na sa kanila lalo na nang mapansin kong mali ang ginagawa nila. “Huw

