Kabanata 24

1853 Words

Kasalukuyan kaming nakasakay ni Mr. Muller sa backseat ng isang kotse na siyang maghahatid sa amin sa piyer kung saan naghihintay ang yate na magdadala sa amin sa pribadong isla na ni-reserve ni Lolo Henry para sa amin. Hindi pa ako nakakasakay ng yate kaya ganoon na lang ako kasabik na makita ang loob nito. Hindi ko kailanman inisip na magkakaroon ako ng ganitong pagkakataon—na maranasan ang buhay ng mga mayayaman kahit na saglit lang. Gagamitin ko talagang motibasyon ang mga karanasang ‘to para magsumikap sa buhay at nang maiparanas ko rin sa pamilya ko ang naranasan kong karangyaan. “You can do whatever you want when we get to the island,” biglang sambit ni Mr. Muller kaya napatingin ako sa kanya. Dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha niya ay tila nagliliwanag ang kanyang asul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD