Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda dahil maaga raw akong ihahatid ng tauhan ni Mr. Muller pabalik sa probinsiya namin at nang makapagpaalam na ako sa mga magulang ko. Mabigat man sa loob na magsinungaling sa kanila pero wala akong magagawa. Kailangan ko itong gawin para sa kapakanan nila; para sa mas makakabuti sa kanila. Nang matapos akong maligo ay nagbihis muna ako ng pambahay dahil kailangan ko pang magluto ng umagahan. Wala kasing kasambahay sa malaking mansyon na ito. Mamaya pa raw ang dating ng mga kasambahay na parte rin ng pagpapanggap namin. Napapailing na lang ako sa tuwing naiisip ko ang mga ginagawa ni Mr. Muller para lang makumbinsi ang lolo niya na may asawa na siya at nakapag-settle down na ito. Ibang klase rin kung manloko ‘tong mga mayayaman, eh. Daig p