Kabanata 60 Nagising ako dahil sa matinding sakit sa batok ko, and that’s when I found out I was still lying on the floor. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakumpirmang halos isang oras din akong walang malay. Agad akong tumayo at lumipat sa kama. Mabuti na lang talaga at walang nakakita sa akin, kundi sigurado akong ako pa ang pagmumulan ng panic ng lahat, lalo na ni Lolo Henry. Pipikit na sana ako nang mag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay pangalan ni Uriel ang rumehistro. Nagdalawang-isip pa akong sagutin ito, pero in the end, wala akong nagawa kundi ang i-accept ang tawag niya. “Hello?” “Finally!” bulalas niya matapos kong sumagot. “Why aren’t you responding to my texts? Why aren’t you picking up my calls?” pag-ulan niya sa akin ng tanong. Bakas sa boses niya

