Kabanata 59 Nakatitig lang ako ngayon sa blangkong kisame. Hindi ko alam kung anong oras na, basta nagising na lang ako na wala na si Uriel sa tabi ko at ang tanging sumalubong na lang sa akin ay ang isang tray ng pagkain at isang note na nagsasabing kainin ko ito as soon as magising ako. Pero halos kalahating oras na nang magising ako at hindi ko pa rin ito ginagalaw dahil wala akong gana. Pilit kong iniisip kung ano nga ba talaga ang nangyari sa akin kagabi; kung bakit gano’n na lang ako kung umiyak. Iyon ang unang beses na umiyak ako nang ganoon dahil lang sa isang panaginip. Napabuga na lang ako ng hangin dahil wala akong maisip na dahilan. Gusto ko na rin sanang bumangon pero hindi ko magawa-gawa dahil nananàkit ang balakang at mga hita ko, at tila naubusan din ako ng lakas sa gin

