Kabanata 67 “I called Logan to pick you up,” sambit sa akin ni Lolo Henry habang tinutulungan niya akong pulutin ang mga damit ko. “That’s the least I can do to help you, hija. I am very sorry,” dagdag niya bago malungkot na ngumiti sa akin. “I also reserved you a room at my amigo’s hotel. Logan will drive you there. You can stay there as long as you want—until things get sorted out.” Marahan akong tumango sa kanya bago humingos sabay punas sa magkabilang pisngi ko. “Thank you, ‘lo,” halos pabulong kong sagot dahil wala na akong lakas para magsalita pa. Pagod na pagod na ang katawan at ang puso ko dahil sa sakit at pagsisising nararamdaman ko. “I’ll try to talk to Uriel about this,” aniya pero mabilis akong umiling. “I’m sorry po, pero kung pwede sana ay hayaan n’yong ako ang gumawa ng

