Kabanata 68 Nagising ako na nakasandal sa isang puno habang nakaharap sa mga puting rosas sa isang ‘di pamilyar na hardin. Pagkagalaw ko ay napansin kong maliit at maiksi ang kamay at biyas ko. Pati mukha ko ay maliit din. Paglingon ko naman sa gilid ko ay may nakita akong isang batang lalaki na nakapikit habang nakasandal din sa puno. “I’ll melt if you keep on staring at me like that, Kaye,” pabulong na sabi nito bago nagmulat ng mata at bumungad sa akin ang kulay asul niyang mga mata na tila sinasalamin ang kumikinang na dagat sa ilalim ng matingkad na sikat ng araw. Kaye? Hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit tinawag niya akong Kaye. Pero mas lalo akong napaisip kung bakit kilala ko ang bata. “Ang cute mo kasing matulog,” tugon ko sa kanya sabay ngisi. At doon ko napansin na mali

