Natapos ang party nang alas tres ng umaga. Sinusuri pa ni Alemana kung nalinis na ang lawn. Pagkatapos niyon ay nagtungo siya sa swimming pool at nakatingin sa paiba-ibang kulay ng ilaw na nasa ilalim ng tubig. At iisang tao lang ang nasa kaniyang isipan. Si Zoie. “Alem, why are you still here?” ang tanong ni Domenic sa kaniya na may dalang baso ng red wine sa dalawang kamay. Nakita kasi siya nitong nasa labas pa at malinaw na naisipan nitong bigyan din siya ng wine. Napuna yata nitong may malalim siyang iniisip habang nakamasid sa tubig ng pool. Tinanggap ni Alemana ang wine glass. Uminom muna siya bago sumagot sa kapatid. “I can’t sleep yet.” “Is something bothering you?” kuryusong tanong ulit ni Domenic sa kaniya. Napatingin si Alem sa kapatid. “Am I a good brother to you, Domeni