Dalawang araw nang nakabalik sa rancho ang apat na nagtungo sa siyudad. Walang imikang sabay na kumakain sina Alemana at Zoie habang nakabantay sa kanila si Lihau. Kalimitang pasulyap-sulyap ito sa kanilang dalawa ngunit kapag nagsasalita ito ay pinapatalikod ng binata at pinapaharap sa dingding ang kawawang butler. “Master Alem, why are you doing this to me?” ang maktol pa ni Lihau sa binata habang kumakain ng dinner ang dalawa, isang gabi. “I don’t want to hear your voice, and I don’t want to see your ugly face. I’ll lose my appetite,” ang matabang na sagot ng binata. “Master…” Parang maiiyak si Lihau. “Are you digging your own grave?” banta pa ng binata. Hindi na umimik ang kaniyang butler na ngumuso at nag-puppy eyes. Sinulyapan na lang ni Alemana si Zoie na nakapako ang mga mat