“Domenic!” Nagulat sina Domenic at Zoie sa tila dumagundong na boses na iyon. Napapihit sila sa may-ari ng boses. “Alem!” Nagtaas ng kamay ang binata sa pagbati sa nakatatandang kapatid. Tumakbo pa ito papalapit dito na may kasamang handler. Pansin ni Zoie na kakaibang Domenic ito kaysa sa dati. Wala nang takot sa mukha ng binata. “Go back instead to the storage house and list down the things needed for us to buy in two days. I’ll talk to my brother first,” ang instruksyon ng binata sa handler at tumalima ito. Napatingin siya sa kapatid na tumakbong papalapit sa kaniya. “Let’s talk in my office.” Sumunod si Domenic kay Alemana. Kumaway pa ang kapatid niya kay Zoie na nakangiti at napangiti rin ang dalaga sa engineer. “Why are you here?” ang tanong kaagad ni Alemana sa kapatid nang m