Paroo’t paritong naglalakad sa loob ng kaniyang kuwarto si Alemana na parang isang hayop na nakabilanggo. Naalala pa niyang ang sayang nakipag-usap ni Zoie kay Huapala kanina sa rancho. Naalala niya ring may gusto nga rin dito ang sarili niyang kapatid na si Domenic. Inilahad pa nito iyon noong birthday nito habang nag-uusap sila sa swimming pool. Sabi pa nito ay aagawin nito si Zoie kung wala siyang gagawing hakbang. Sinuklay ng kaniyang mga daliri ang kaniyang bahagyang kulot na dark brown hair. Naisipan niya tuloy na kailangan niya ng haircut. Ngunit hindi iyon importante. Mas importante sa kaniya si Zoie at kung ano ang gagawin niya sa babae. Para siyang mababaliw sa kaiisip sa mga bagay na dapat gagawin para kay Zoie. Humiga na lang siya at saka ipinatong ang isang braso sa noo haban