Para namang nabunutan ng tinik sa tagiliran ang dalaga nang hindi niya nakita si Alemana sa araw na ito. Hindi niya kasi alam kung paano ito haharapin pagkatapos ng nangyari kagabi sa dining room. Isa pa, nalaman niya ring dinalhan lang ni Lihau ng pagkain ang amo sa opisina nito sa rancho. Ngunit sa kabilang banda ay may pangamba siyang nadarama. Ayaw na kaya ni Alemana sa kaniya at nagkamali lang ito kagabi kaya ayaw siya nitong makita ngayon at makasalo sa almusal? Nagsisisi nga ba talaga ito sa ginawa nito ayon sa paghingi nito ng despensa bago sila naghiwalay kagabi sa dining room? Naisip kaya nitong mali ang lahat at si Claire lang ang para rito? Gusto niyang malaman ang totoo ngunit natatakot naman siya sa maaaring marinig na sagot mula sa binata. Upang hindi niya masyadong maiis