“Master Alem! There’s a call for you!” ang sigaw ni Lihau mula sa labas ng dining room. Biglang parang binuhusan ng malamig na tubig sina Alemana at Zoie. Awtomatiko silang bumalik sa kani-kaniyang upuan. Pinamulahan naman ng mukha si Zoie nang tingnan niya ito kung kaya’t nagpanggap itong may pinulot sa ilalim ng mesa nang dumating si Lihau. Si Alemana naman ay minumura sa isipan ang kaniyang buwisit na butler na mapunta ito sa kailaliman ng impyerno dahil sa inis niya rito. Kung hindi dahil kay Lihau ay siguro naangkin na niya si Zoie. Pakiramdam niya ay nag-iinit pa rin siya habang napapaisip sa dalaga at sa halikan nila. Hindi pa rin humupa ang pagnanasa niya sa dalaga. Gusto ng puso niyang ipakita rito kung gaano niya ito kamahal. Oo, aminado na siya roon. Kaya kakaiba ang nararam