CHAPTER 31

1227 Words

Habang nakamasid si Alemana sa dalaga nang ganito ay para namang humupa ang bagyong nararamdaman niya sa kaniyang dibdib. Ang gandang tingnan habang nilaru-laro ng hangin ang buhok ng babae habang binabaybay nila ang daan patungong rancho. Iniwan naman niya ang butler at ang dalaga na kunin ang mga pinamili sa kotse at dumiretso na siya sa kuwarto niya upang mag-shower bago mag-dinner. Parang pinaginhawa ng maaligamgam na tubig ang kaniyang tensed muscles pagkatapos niyang magmaneho. Hinayaan niyang bumagsak sa kaniyang mukha ang tubig habang nakatukod ang mga kamay niya sa tiled na dingding. Nasa isip naman niya si Zoie habang nakipaglaro ito sa hangin kanina. May pagnanasa siya sa dalaga, aminado siya roon. At sadyang hindi pa niya ito nararamdaman para sa ibang babae. Kahit kay Clair

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD