Tahimik lang si Alemana habang hinahayaang mag-usap ang dalawang babae, o kaya naman ay mas maiging sabihing nag-aaway ang mga ito sa harapan niya—kahit subtle lang. Napasandal pa siya sa kaniyang upuan at ikinuros ang mga braso habang nanonood sa dalawa. “Why are you here, anyway? Aren’t you busy?” malumanay na tanong ni Zoie kay Claire habang naghihiwa ng pork steak na nasa plato nito. He could very well imagine that his property manager was wishing it was Claire’s throat she was slicing at the moment. Napatawa siya nang lihim dahil dito. Iba iyon sa normal na paghihiwa nito ng karne sa tuwing kumakain sila nang sabay sa mansion. Napabaling siya ng tingin kay Claire nang aktong tumingin sa kaniya si Zoie. “I’m busy, but I always have a spare time to meet Alem whenever he’s around