Nang lumapat ang mga labi ni Alemana sa mga labi ng dalaga ay parang nakarinig siya ng musika ng mga lira at harpa. Kay lambot ng mga labi ni Zoie at kay tamis. Kapwa sila napaungol nang maghinang ang kanilang mga labi. Nilaliman niya ang paghalik dito at tila nawalan ito ng lakas. Hindi man lang ito nakapalag sa kaniya. Sa halip, sinuklian nito ang bawat paggalaw ng kaniyang mga labi. “Oh, Zoie!” anas niya at lalong inangkin ang mga labi ng dalaga. Sinipsip niya ang pang-ibaba nitong labi. Gigil na gigil siya. Inilandas niya ang panlasa sa mga labi nitong nakabuka para sa kaniya. Parang nang-eengganyo ito sa kaniya. Ngunit nang tila natauhan ang babae ay itinulak siya nito. Pagkatapos ay mabilis itong umalis ng dining room. Siya naman ay napatulala habang hinihingal. Hindi niya alam