Hindi lumabas si Zoie sa kaniyang kuwarto kinabukasan dahil sa sakit na nadarama niya. Oo, malinaw nang hindi siya mahal ni Alemana at palagi lang nitong ipinamumukha sa kaniya na bawal siyang umibig dahil isa lang siyang alila sa Campbell Ranch. Umiyak pa siya buong gabi at hindi nakatulog. Ang sama talaga ng loob niya dahil sa masaklap niyang kapalaran at wala siyang magagawa ngayon. Hindi niya rin alam kung ano ang gagawin pagkatapos ng kaniyang outburst. Nang makita naman niya ang kahong ibinigay sa kaniya ni Domenic ay naalala niyang hindi pala niya nakita ang laman niyon kaya inabot niya ito mula sa mesitang katabi ng kama niya. Napamulagat naman ang mga mata niya nang makita ang isang diamond necklace. Napahanga siya sa pagkakagawa niyon. Medyo mabigat iyon nang kunin niya mula s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books