Pansin kong tahimik lang si Gariet. Kagabi naman ng matulog kami hindi niya rin ako pinapansin. Nakatalikod lang ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Hindi ko rin masabi sa kaniya ang gusto kong sabihin. Matagal -tagal din akong nag-isip bago gumalaw at umupo sa kama. Nabigla pa ako nang mapatingala ako nasa harapan ko na pala si Gariet. Nakangiti na ito sa akin. "Nagulat ba kita?" he said. Umusog ako para mabigyan siya ng space. Para makaupo siya sa tabi ko. Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha. Napatitig lang ako sa kaniya. MUkhang malalim ang iniisip niya. "Ahmm..." tumikhim ako dahil sa pananahimik namin dalawa. "Sasabihin ko na ang gusto kong sabihin." panimula ko. Napatitig naman ito sa akin. Iniharap niya ako bigla sa kaniya. Hinawakan ang magkabilang pisngi ko