Alas siete na ng umaga nang magising ako. Paggising ko wala sa tabi ko si Gariet. Hindi ba siya umuwi? O baka naman napasobra lang ang tulog ko at hindi ko siya namalayan na umuwi. Pagkagising ko, dumiretso na kaagad ako sa kusina. Doon ko siya nasilayan sa dining table. Seryosong nakatitig sa screen ng kaniyang phone. Hindi niya napansin ang paglapit ko. Kaagad kong pinulupot ang braso ko sa leeg niya. Hinalikan ko kaagad ito na kaagad naman umiwas sa akin. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko tuloy siya nahalikan. Puno ng katanungan ang tingin ko sa kaniya. Ganun din ito sa akin. Salubong ang mga kilay at hindi maipinta ang kaniyang mukha. Anong problema nito? "G-Gariet...a-anong problema? Bakit?---" hindi natuloy ang sasabihin ko nang ibagsak niya na lang bigla