Divina's POV "CHEERS!" Itinaas ni Mr. Shunn ang kaniyang wine glass. Nakakahiya naman kung hindi ako makikisama. Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko pero kaya ko pa naman. Dala lang siguro ito ng sobrang tuwa at medyo marami na rin akong nainom. Katulad ng ginawa ni Mr. Shunn, nakipag cheers pa rin ako sa kaniya. Ayaw ko naman siyang ipahiya dahil tinanggihan ko ang alok niya. Medyo nahihilo na ako pero kaya ko pa naman. Kaya ko pang tumayo at maglakad. Maghapon yata pinasara ni Mr. Shunn ang restaurant. Maghapon din kaming nagkakasiyahan. Tumigil na ako sa pag-inom dahil baka mahalata ni Gariet mamaya pag-uwi na amoy alak ako. Medyo lassing na rin kasi ako. Pakiramdam ko babagsak ako sa sahig kapag hindi ko inayos ang pagtayo ko "How are you, Divina?" muli ay lumapit sa akin