Chapter 22 Tuloy-tuloy na pumasok ang babaeng kanina lang ay nakaaway ni Divina. Napasukyap ito sa kaniya at parang may kung anong binabalak na hindi niya magugustuhan. "Hey, Gariet!" kaagad na lumapit ito kay Gariet. Hindi niya inaasahang hahalik pa ito sa pisngi ng asawa. Hindi pa nito pinalampas na halikan sa labi si Gariet. Tumaas ang kilay niya. Nag-init ang pisngi rin ang pisngi niya. Kaagad na umakyat ang inis niya. Habang kayakap nito ang kaniyang asawa, sarkastika naman itong nakangiti sa kaniya na parang nang-aasar. 'Di niya inaasahang itulak ito ni Gariet palayo. "I'm with my wife, Ange---" hindi natuloy ang dapat na sabihin ni Gariet dahil pinutol kaagad ito ng babae. "What about now? What's the problem? We used to do more than just hugs and kisses." sabi nito. Nag