NAGISING kinaumagahan si Rebecca na wala na si Raphael sa tabi niya. Nag-iisa siyang nakahiga sa kama habang hubad, tanging manipis na puting kumot ang tumatakip sa kanyang katawan. Bumangon siya't isinuot ang mga damit tapos inayos ang sarili bago bumaba na rin. Nagtungo siya papuntang dining area at naabutang naghuhugas doon ng mga pinggan si aling Meding. "Aling Meding..." untag niya. Nilingon siya nito. "Ay, gising na po pala kayo, maam! Kain na ho kayo." Hinugasan saglit nito ang kamay na puno ng sabon saka ipinaghain siya ng kanyang agahan. Naupo naman siya sa mesa. "Salamat, aling..." aniya pagkaabot ng plato. "Si Raphael nga pala?" "Nasa opisina po para magtrabaho, maam." "Ah, gano'n ba? How about Lily?" "Sinama po ni sir Raph sa opisina." Parang may kung anong matigas na