Nang makalabas si Lily, bumalik ang atensyon ni Raphael sa mga papeles. " Raph..." lumapit siya sa binata. "Not now, Rebs. Busy pa rin ako." Nanlambot siya. Hanggang ngayon ba, ipagtatabuyan pa rin siya nito? "Pero kailangan na talaga nating mag-usap-" "Sinabi ko na kagabi, let's just talk some other time. Sasabihin ko lang sayo kung kailan hindi na ako busy." " Raphael naman!" naiinis na siya. "Lumabas ka na." pinal na sinabi nito. Sa muli ay wala pa rin siyang nagawa kundi sundin ito at lumabas. Sa sobrang inis niya'y naglakad-lakad na muna siya sa pool area. Napapansin na niya eh! Napapansin na talaga niya ang sadyang pag-iwas sa kanya ni Raphael! Ano bang ikinaiiwas nito? Natatakot ba itong baka papanagutin niya ito sa ikalawang beses na may nangyari sa kanila at hindi na nito