CHAPTER 21

1087 Words

Tama naman ang timing niya nang makapasok dahil nakita niyang hindi pa naman natutulog si Raphael bagama'y patay na ang ilaw ng kwarto. Tanging lampshade nalang nito ang nakaandar. Nakaupo ang binata sa gilid ng kama at nakahilot ang mga kamay sa ulo na para bang may malalim na iniisip. Na-conscious tuloy siya kung alam ba nitong pumasok siya o naramdaman man lang ba nito ang presensya niya, 'ni hindi man lang kasi ito nag-aangat ng tingin. "Anong kailangan mo?" Bago pa siya makapagsalita ay nauna na ito. So, naramdaman nga nito ang pagpasok niya pero binabalewala lang nito? "Ah, Raph..." hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Nakasuot na ito ng puting sando at pajama pantulog pero napakabango pa rin ng dating! Pati paggalaw ng muscles nito sa braso nang ibinaba ang mga kamay ay hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD