• 3rd PERSON POV • MATAPOS ang kaunting salo-salo sa bahay nina Pauline at Aidan ay nagsi-uwian na agad ang mga ito maliban na lang sa tatlong bata na kasama na nila sa bahay maninirahan. “Nasaan ang mga bata?” tanong ni Pauline sa asawa. “Nasa labas pa yata,” sagot nito sa asawa. “Ayan na pala sila. Saan kayo galling? Hinahanap kayo ng ate niyo.” “D’yan lang sa labas ate,” sagot nila. “Mommy, ang cute ng Castle ni Ailine doon sa labas,” sabi ni Ailine sa mommy niya pagpasok nito, nakakunot naman ang noo nito sa anak. “Castle?” taking tanong nito. “Opo.” “Nakita muna pala ‘yon? Bukas ko pa sana ipapakita s aiyo ‘yon e, naunahan mo ko,” sambit ni Aidan na kumamot pa sa batok niya. “Did you build it daddy?” masayang lumapit si Ailine sa kanyang ama. “Yes, you like it?” “Uhm