• JANINE POV • “Bakit ka ba naiinis diyan Janine?” tanong ni Marvin sa akin. “Sinong hindi maiinis! Hindi tayo makalabas dahil kahit saan tayo magpunta ay may mga larawan natin na nakapaskil.” “Ngayon mo lang iniisip ‘yan? Sana bago mo ginawa ‘yong plano mo inisip mo muna ang kahihinatnan ng mga plano mo. Ngayon ano?! Dinaig pa natin ang preso at buong taong bayan ang naghahanap sa atin dahil sa napakalakin pabuya na nakapatog sa mga ulo natin!” Nainis ako sa kanya kaya binato ko siya ng baso na agad niyang sinalo. “Sige! Mag-ingay ka at nangpuntahan tayo dito ng may-ari ng bahay! Ewan ko ba sayo bakit kasi umalis pa tayo sa Nueva Ecija? Mas safe tayo doon dahil walang gaanong tao sa lugar na ‘yon!” “Alam ko ba na tataasan nila ng ganon kalaki ang pabuya sa atin?!” bulyaw ko s