• PAULINE POV • INAKALA ko talaga ay hindi ko na kakayanin pero nagawa kong kayanin ang mga sakit na nararamdaman ako. Ayoko ng sisihin pa ulit ni Aidan ang sarili niya habang buhay lalo na kapag nawala na talaga ako ng tuluyan. “Mahal pa kita Aidan, at kahit kalian ay hindi nawala ito. Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal kita at masaya ako dahil hindi moa ko sinukuan kahit na lahat ng tao ay nawalan na ng pag-asa na mabubuhay pa muli ako.” Nakatingin lang ako sa kanya habang sinusubuan niya pa rin ako ng niluto niyang arroz caldo. “I’m sorry.” Nagulat ako sa sinabi niya. Napansin niya siguro na nagtataka ako dahil kumunot ang mga kilay at noo ko. “Naaalala mo ba ‘yong divorce paper na pinadala ko sayo sa office mo dati?” sabi niya. Biglang nag-flashback ang araw na iyon kay