• AIDAN POV • ITINAKDA ngayon araw ng mga doctor ni Pauline ang araw na ito. Matapos kasi gumalaw ang mga daliri niya kagabi ay nakitaan siya ng doctor niya na possible na itong magising ano mang oras, kaya ngayon ay nandito kaming lahat maliban sa family namin na umalis na dahil kanina pa silang umaga nandito. Alas sais na ng gabi at nakaupo pa rin ako sa tabi niya simula kaninang umaga para wala akong ma miss na kahit na ano. Kaninang umaga ay nandito ang buong pamilya naming at ang lahat ng pamilya ni Pauline, ngunit umalis na rin sila nang lumagpas ang oras na ibinigay ng doctor sa amin kung kalian siya gigising. Ang buong pamilya ay nawawalan na ng pag-asa na gigising pa ang asawa ko. Tanging ako na lang yata ang umaasa na balang-araw ay magigising ‘din siya. Yung mga kaibig