• PAULINE POV • “Malalaman mo rin kapag pumasok kana,” sabi nito sa akin at inalalayan makapasok sa loob. Ano na naman ang pakuno ni Aidan sa akin?! “Kasama ba sina Kurt at Kiel?” tanong ko nang makapasok na ako, na realize ko na hindi familiar ang mga kasama ko sa loob ng sasakyan. “Manahimik ka!” sigaw sa akin ng lalaking bumaba at mabilis siyang pumasok at hinarangan ako para hindi ako makalabas. Bigla akong kinabahan. Parang may mali. Alam kong mali! Lumipat ako sa kabilang pinto para buksan ito pero agad na ini-lock na ito ng driver. “Palabasin niyo ako mga hampas lupa!” sigaw ko sa kanila at pilit kinakalampag ang bintana pero para silang mga bingi at hindi ako pinapansin. Halos mapaos na ako kakasigaw. Wala man lang taong dumadaan dito sa lugar namin para makahingi ng tulong.