• PAULINE POV • “Pauline! Gising na!” May biglang yumogyog sa balikat ko habang natutulog pa ako kaya nagising ako bigla. “Ang aga-aga naman! Sino ba to!” Inis na sabi ko sa isip ko. Hindi pa rin niya ako tinitigilan kaya inis kong idinilat sandal ang mga mata ko. “Ano ba! Kung makayugyog naman oh! Kita mong natutulog pa ang tao!” sabi ko tsaka pumikit na ulit. “Hindi ka gigising diyan?! Sige iiwan ka naming at tatangayin naming ang anak mong si Ailine!” Bigla akong natauhan at nagising ng tuluyan ng marealize kong hindi ako nananaginip. Boses ni Talia ‘yon. Bumangon ako agad at tinignan ko ang buong kama naming tsaka inilibot ang paningin ko sa buong kwart namin. “Nasaan si Aidan? Anong ginagawa mo dito?!” tanong ko agad kay Talia. “Maaga siyang umalis, tinawagan niya kami na Sa