"I can handle myself, Luxx. I don't give a f*ck to that Sean Montecer. Labas na ako sa puder mo."
Tinalikuran ko s'ya at naglakad palabas ng mansion.
Napasigaw ako nang may malakas na kulob at kidlat ang biglang umalingawngaw sa kalangitan.
"The time you stayed at the mansion tonight, I will take that as your answer to my deal as your boyfriend. And if you will leave, see you at your funeral.”
Galit na galit akong humarap sa kan'ya. "Hindi ako batang magpapasindak sa'yo, aalis at aalis ako dito ano mang mangyari."
Hindi ko na s'ya hinayaang makasagot pa sa akin at naglakad na palabas ng kan'yang mansion.
Mabibigat ang yabag ko dahil mukhang uulan ata. Kinapa ko ang phone ko sa aking pocket pero hindi ko 'yon maramdaman.
Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa higanteng pinto ng mansion.
Nakakalokong iwinagayway ni Luxx ang cellphone ko at nang-aasar na nakangiti sa akin.
Napayukom ang kamay ko dahil sa inis. I make a dirty finger to him at ipinagpatuloy ang paglalakad.
So what? Kaya kong umuwi mag-isa. May dadaan na taxi rito anytime.
Napayapos ako sa sarili ko nang malakas na namang kumulog at kumidlat. Malas talaga!
I looked behind me and there was no sign of a passing car.
Dumaloy ang kaba sa akin dahil nakakalayo na ako sa mansion ni Luxx at puro matatayog na puno na ang nakikita ko.
Wala talaga s'yang puso, isusumpa ko talaga s'ya!
Naglakad pa ako at umuasang may tutulong sa akin pero gano'n na lang ang pagkabigla ko nang bumuhos ang malakas na ulan.
"Sh*t!"
Sobrang lakas ng ulan kaya napasilong ako sa isang puno but that was not enough to keep me from getting wet. Sobrang putik na rin ng paa ko at nagsisimula nang wala akong makita dahil sa sobrang dilim.
Kung mamamatay man ako ngayon, sisiguraduhin kong mumultuhin ko si Luxx. Argh!
"Hey!"
I turned to the woman who screamed in the middle of the road, she was riding in the car and looking at me worriedly.
"Get in the car!"
Hindi ko s'ya pinakinggan, mamaya tauhan s'ya ni Sean Montecer.
Sh*t, katapusan ko na ba talaga?
No'ng nakita n'yang hindi talaga ako kumikibo ay lumabas s'ya at pinayungan ako.
"I will not hurt you."
Wait, she's familiar.
"That f*cking guy is losing his mind. Why did he leave you like this?"
Oh, I remembered. She is the girl I saw in HQ. The girl with the brown hair.
She cursed but napakalambing pa rin ng boses.
Biglang pumayapa ang pakiramdam ko at sinunod ang sinabi n'ya. She lowered the aircon of her car and constantly asked me how I am.
She is kind and gentle to me.
"Who are you?" I asked without any hesitation.
She just smiled and drove her car pabalik sa mansion ni Luxx.
The hell?!
"No, no! Stop the car."
Nakitang kong nagbukas ang gate ng mansion ni Luxx.
The pretty girl beside me looked at me, confused.
"Look, look at you. He traumatized you." Her worried voice makes me more confused than her. Do I look traumatized?
"Open the door, Miss."
Mabilis s'yang napailing at mas pinaharurot ang kotse at sa isang iglap lang ay nasa pinto na naman ako ng mansion.
"Anong pinag-awayan n'yo? I am pretty sure na s'ya ang may gawa." Galit ang boses n'ya pero mababa pa rin 'yon. Parang isang musika ang boses n'ya sa aking tenga.
Wait a damn minute, sino ba s'ya?
Lumabas s'ya sa kotse at inaakay ako papasok sa mansion. Hindi n'ya alintana ang dumi at basa ng katawan ko.
"Luxx!"
Nakangiting bumaba si Luxx sa malawak na staircase. He is topless with his black pajama pants.
His body is screaming of hotness. Hindi nakatulong ang basang-basa n'yang buhok na dumadaloy sa kan'yang batok pababa sa kan'yang malapad na likod.
Napaiwas ako ng tingin dahil ramdam kong iba na ang tingin ng mata ko sa kan'ya.
"How could you leave your girlfriend in the middle of darkness?!"
Gulat na napalingon ako sa babaeng nakahawak sa kamay ko ngayon. Anong girlfriend ang pinagsasabi n'ya?
"Poor girl, Quinn. He doesn't deserve you. There is still a better man for you.”
Bigla naman akong nag-alala nang makitang nangingilid na ang luha sa kan'yang mata.
Umiiyak s'ya, umiiyak s'ya sa taong hindi naman n'ya kilala.
Lumapit sa akin si Luxx at inilagay sa ulo ko ang body towel na gamit n'ya.
Bigla akong napaiwas sa kan'ya nang dumapo ang malamig n'yang kamay sa aking balat.
"Not gonna lie, the wet body makes you look more heavenly," he whispered. Amoy na amoy ko ang mint na galing sa bibig n'ya.
Mabilis na bumulusok ang mahihinhing sampal no'ng magandang babae kay Luxx.
"After you abuse her, you throw a pick-up line? Sa tingin mo ba mas-solve no'n ang ginawa mo?” Again, she is shouting in lowercase. She's so cute.
Kinuha ni Luxx ang dalawang kamay no'ng babae. "I never beat her, asked her for yourself."
Hindi n'ya pinansin si Luxx at muling lumapit sa akin at sinimulang punasan ako gamit ang towel. "There's a time pa, Quinn. Break-up to him now."
Pumagitna sa amin si Luxx.
"Watch your words, Nyx."
Nyx, bagay na bagay sa kan'ya ang pangalan n'ya.
Tinabig n'ya ang malaking katawan ni Luxx.
"He called me and asked if I could pick you up because nag-away kayo. I never imagine naman na ganito ang dadatnan ko."
Napatingin ako kay Luxx na nakatingin lang din sa akin. Like he's proud pa sa sinabi ni Nyx.
"I am good, we just had a simple misunderstanding."
Napahinga s'ya ng malalim. Ramdam ko na 'yon lang ang hinihintay n'ya para bumaba ang dugo n'ya. For now, kailangan ko munang sumakay sa plano ni Luxx dahil hindi titigil si Nyx sa paghe-hysterical.
Bumaling s'ya kay Luxx at binigyan ng isang kurot sa braso. "Don't you ever treat her again like that. Hindi gan'yan ang tinuro ko sa'yo."
Mas napatitig ako kay Nyx, she had this brown eyes like the twin.
Napangiti ako, magkapatid sila.
"She doesn't want to make out."
Nagkatinginan kami ni Nyx at gulat na gulat sa narinig. Walang imik-imik na dumapo ang kamay namin sa mukha ni Luxx.
"You pervert!" sigaw ko.
"Mama is very disappointed right now, Luxx."
Napangisi si Luxx at sinuklay ang kan'yang basang buhok. "And I know Papa is proud and laughing right now."
Pingsusuntok ni Nyx si Luxx. Napahilamos naman ako sa mukha dahil ramdam ko ang pamumula no'n.
"Come on, Nyx. It's a normal thing for a couple. Don't act like you never did that before," asar na saad ni Luxx at lumapit sa akin. Lumayo naman ako sa kan'ya pero hinigit n'ya lang ako sa beywang at yumapos sa akin.
"Shut up, nakakahiya kay Quinn." Pulang-pula na si Nyx ngayon. She is definitely a cutie.
"See, we still fight to settle so please Nyx, can you leave us alone?" he said in a low voice, acting like a baby.
Nyx pouted and made a face to her brother.
"Don't let him hurt you." Napangiti ako sa sinabi n'ya, she's very protective. Napatango naman ako, hindi ko kayang makapagconstruct ng convo with her. Nakaka-intimedate ang ganda n'ya.
The Velasquez genes never fail.
"I will never hurt her, Ate."
That line is not normal for Luxx, giving respect towards someone? Well, maybe for her ate, may exemption.
She is probably the owner of the Lexington Hotel and Resort.
Tumaas si Nyx sa second floor at iniwan na kami ni Luxx sa living area.
Tinulak ko naman s'ya dahil nararamdaman ko na ang kamay n'ya sa aking binti.
"Alis nga." Taboy ko. "Nakakahiya sa ate mo."
Ikinulong n'ya ang mukha ko sa dalawa n'yang kamay.
"What if we make out nga?"
Sinuntok ko s'ya sa kan'yang t'yan pero kamao ko lang din ang nasaktan dahil sa tigas no'n.
"Manyak ka talaga e! Hindi ka ba kinikilabutan?" Ramdam ko na naman ang pamumula ko.
"Let's build a family and make another Luxx and Quinn. I mean, I need a successor for Inferno?"
Pota-
Tinulak ko s'ya pinansin at napatakip naman ako ng mukha.
Sh*t, sh*t, sh*t!
Bawal akong kiligin!
Parang hinahabol ako dahil sa sobrang t***k ng puso ko.
Nagtatatakbo ako papunta sa taas at iniwan na s'ya sa living area. Kailangan ko nang maligo baka dahil lang 'to sa tubig ulan.
Rinig na rinig ko ang hagalpak ni Luxx na umaalingawngaw sa buong
mansion.
F*ck you, Luxx. Ako ang cool dapat dito hindi ikaw. I will never fall in love with you. Not someone like you. Not a single chance.
Si Sid, s'ya, s'ya ang bagay para sa akin. Not you!