Napapaiyak ako sa inis, bakit kasi ganito ang nararamdaman ko. Napahawak ako sa dibdib ko at tinapik-tapik 'yon.
"Hindi puwede, idiot."
Para akong nasisiraan ng bait habang kinakausap ang sarili. Delikado talaga ako kapag mas nagtagal ako rito.
Isang malaking hallway ang tumambad sa akin at puro pinto ng kwarto ang na andito sa second floor.
"Bwesit," saad ko. Bakit kasi napatakbo ako rito e hindi ko naman alam ang kwartong puwede kong tuluyan.
Grabeng epekto 'to ni Luxx.
Maliwanag ang paligid at naaninag ko ang isang malaking portrait ng isang babae at lalaki.
Painting 'yon pero mabilis kong nakilala na mga magulang 'yon ni Luxx.
Pangita na may lahing banyaga ang nanay nila at napakaguwapo ng ama nila.
Nakuha ng kambal ang postura ni Mayor Albert lalo na sa mukha pero ang mga mata ay kay Ma'am Diana. May brown na buhok si Diana na nakuha ni Nyx, tulad n'ya sobrang amo din ng mukha ng namayapa nilang nanay.
Meron pa kaya silang iba pang kapatid? Sayang naman kung tatatlo sila, napakaganda pa naman ng lahi nila. Bigla namang pumasok sa isip ko ang narinig kong usapan ni Gian at Javier.
Sino kaya ang bumaril kay Mayor Albert? Napakabata namang mamatay sa atakae ni Ma'am Diana, maaring napakalaki ng problema n'ya kaya s'ya humantong sa gano'n.
"I hope they are still here so that I can introduce you to them."
Walang isang iglap ay napatingin ako sa aking likod. Si Luxx na payapang nakatingin kan'yang mga magulang.
Med'yo lumayo ako sa kan'ya. Bakit ba lagi ang lapit lapit n'ya.
"Tigilan mo ako sa mga banat mo, we're not a real couple." Inismidan ko s'ya at hindi ipinahalata na nate-tense na naman ako.
Ilang araw ko lang naman s'yang hindi nakita a, no need na matense Quinn Caroline.
Ramdam ko na dinapuan n'ya ako ng tingin. "Why so sungit?"
Dang! His voice gives me chills in a good way.
Why so sungit...
That line keeps repeating in my head.
"Sa lahat ng ginawa mo, sa'n do'n ang dapat na matuwa ako?" Inirapan ko s'ya.
"Why do you need to act like you're a loser in this deal?” takang tanong n'ya at kinuha ang towel na nakapatong sa balikat ko.
"What I don't like is how you decide for me as if I no longer have my own emotions in my body. Simula nang naging parte ako ng Inferno, diniktahan mo na ang buhay ko. And now, anytime I'm on the verge of death because of that Montecer."
Nagpunas s'ya ng buhok dahil hanggang ngayon ay may iilan pang natulong tubig do'n.
"Then let me court you."
Literal na napabagsak ang panga ko.
Seryoso s'ya at wala akong makitang pagyayabang sa sinabi n'ya.
"F*ck, you're the infamous Luxx Velasquez of Alfonso. What now? Parte na naman 'to ng plano mo at gagamitin mo na naman ako for you own deeds?"
Nanlaki ang mata ko nang bigla n'ya akong itulak sa isang pinto. Ikinulong n'ya ako sa malalaking n'yang braso at pinantayan ako ng tingin.
"Excuse me, Lady Quinn. Did you simply invalidate my feelings?" He laid his left hands in my waist at pinisil ‘yon nang madiin. Napaigtad ako sa kinatatayuan ko.
Dumapo na naman ang kaba sa akin. Pag nagpatuloy pa si Luxx ng kakaganito ay magkakasakit talaga ako sa puso.
“No-I never said-”
Napasigaw ako ng biglang magbukas ang pinto sa aking likod. Mabilis akong inalalayan ni Luxx na para akong manika na napakadali lang para sa kan’ya na dalhin.
Sumalubong sa akin ang napakalaking kwarto ni Luxx. The whole room was painted in the combination of black and white. Lalaking-lalaki ang dating.
Hindi n’ya pa rin ako binibitawan at minimaintain n’ya ang eye contact sa aming dalawa.
“Do you wanna hear the truth?” tanong n’ya sa akin at bigla n’ya na lang akong binuhat na parang bagong kasal at ipinasok sa banyo.
The heck!
Inilapag n’ya ako sa napakalaki n’yang bathtub kung saan may napakalaki ring wall glass na kita ang buong garden ng mansion.
“Wala naman na akong mapapala sa’yo, nakuha ko na ang makukuha ko. I can abandon you anytime and you can now get killed by Sean Montecer but look, here I am explaining myself.”
Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Literal na hindi n’ya inaalis ang tingin n’ya sa akin at umupo sa tabi ng bathtub. I looked away dahil hindi ko masense na nagsisinungaling s’ya.
At masamang indication ‘yon.
Hinawakan n’ya ang baba ko at iniharap sa kan’ya.
Oh gosh, Luxx please stop.
“I can't accept that Sid will play with you when you're out of my power. You don't know him yet, he will use you to satisfy his bereavement.”
Papalag na sana ako sa sinabi n’ya dahil ‘yan na naman s’ya. Galit na galit na naman s’ya kay Sid kahit wala namang ginagawang masama ‘yong tao sa akin.
But he interrupts me using his thumb. Ramdam ko ang hinlalaki n’ya sa aking labi. He softly rubbed my lips.
“You still don’t understand for now but trust me, my lady, inililigtas kita.”
Napalunok ako sa sinabi n’ya. Napakapure no’n, sobrang gulong-gulo na ako sa nangyayari.
Parang hindi n’ya nga ako matutulungan dahil ngayon pa lang ay gusto nang sumabog ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Hinawi n’ya ang ilang buhok sa aking mukha. “Let me court you Quinn kung nabibilisan ka sa nangyayari. Don't think about Montecer because he won't hurt you as long as nasa akin ka.”
“Luxx-” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay binuhay n’ya na ang faucet ng bathtub.
“Get Sid out of your mind, focus on me. This war will end na walang mamatay, trust me.”
Para akong bato na iniwan n’ya matapos n’yang bitawan ang mga katagang ‘yon.
~*~
May iniwang damit si Luxx sa kan’yang kama. Katatapos ko lang maligo at tanging roba lang ang suot ko.
Damit n’ya ‘yon na sobra talaga ang size sa akin. Hindi naman na ako nag-alinlangan na suotin ‘yon at hinanap na si Luxx sa ground floor.
Malakas pa rin ang ulan at walang senyales na hihinto ‘yon ano mang oras ngayon.
Natagpuan ko s’ya sa kusina na nagluluto.
Napasapo ako sa ulo ko. ‘Yan na naman s’ya.
Lumapit ako sa counter at tiningnan s’ya nang mabuti. I will never get tired of saying na napakagwapo n’ya talaga. Sid na Sid pero iba ang aura na dala n’ya na kinaunique n’ya sa kambal n’ya.
“Wait for a minute, matatapos na ‘to.” Hindi n’ya ako nilapatan ng tingin at seryoso lang s’ya sa ginagawa n’ya.
Parang hindi nagyakag ng ligaw a.
Umupo ako sa dining glass table na may magandang flower centerpieces at candle.
Ano ba ‘tong pinasok ko? Para wala naman na akong choice e. Ayaw kong magpadala sa lahat ng mga sinabi Luxx kanina pero taliwas talaga lahat ng sinasabi ng puso ko sa utak.
Sa dating ng sinabi n’ya about kay Sid ay delikado ako kapag nagtiwala ako kay Sid.
Sino ba talaga ang dapat kong pagkatiwalaan?
Biglang s’yang umupo sa tabi ko ng walang pasabi. “Ang lapit mo,” I said dahil hindi ako makapag-concentrate kapag gan’yan s’ya.
“Masanay ka na.”
Napamaang ako sa sinagot n’ya. Nasa katawan n’ya na talaga ang pagiging bossy.
Bigla namang dumating si Renz na nakapangwaiter ang suot. May dala-dala s’yang dinner plate at inilapag sa harap namin.
Halatang-halata sa mukha n’ya na ayaw n’ya sa ginagawa n’ya.
“Enjoy your date, Ma’am and Sir.”
Tinarakan n’ya kami ng mata sabay layas. Anong problema ng tipaklong na ‘yon.
“You heard him, we should enjoy our date.”
Natapik ko naman s’ya. lagi na lang n’ya akong ginugulat.
“I cook because this is a very special day for us.”
He proudly looked at his dish and me.
“Our first date,” he continued.
Napaiwas ako ng tingin at napatawa. “Other side of Mr. Luxx Velasquez huh?” asar ko.
Napapalakpak ako ng sarkastiko. “The gang leader of Inferno made my dinner, how sweet of you.”
Nanliit ang mata n’ya dahil ramdam n’yang inaasar ko lang s’ya. “Ibig mo bang sabihin I should prepare myself now because starting today I am already dealing with that attitude, Quinn?”
Lihim akong napangsi. Alam n’ya talaga kung paano sumagot, ‘yong tipong hindi na ako makakarebat.
Hindi ko s’ya sinagot at nagstart nang kumain. "I don't mind if you keep teasing me as long as you will do that until we grow up.”
Hindi pa pala s’ya tapos. Sinong kikiligin sa sinabi n’ya? Definitely not me. Hindi ako mababaw.
“May nagsabi na ba sa’yo na ang cute mong tingnan kapag nagbu-blush ka?”
Napabuga ako dahil sa narinig.
Narinig kong natawa s’ya sa naging reaksyon ko.
“Shut up, ang panget ng lasa ng luto mo,” alibi ko.
Lalo s’yang napatawa. “Then teach me how you're like my other half now.”
Sa totoo lang simpleng soup dish lang ‘yon at hindi gano’ng kasama ang lasa pero I need to act para hindi n’ya mahalata na nadala na naman ako sa mga linya n’ya.
Sumenyas si Luxx kay Renz na busangot na nag-iintay sa isang tabi. Maya-maya pa ay may sinerve s’yang fruit carving.
Whoa…
Watermelon, apple, and orange ang ginawa n’yang fruit carving.
Ginawa n’yang isang bouquet at mga bibe ang mga prutas. May nakacarve na letter sa baba.
“Can I be your suitor, my Quinn?”
Parang mas isang boltahe ng kuryente ang sumapi sa akin nang mabasa ko ‘yon.
My Quinn
He may not be as good in cooking but he excels in fruit carving.
Sobrang nakakapogi no’n, I’m not gonna lie.
This guy is full of surprises.
“Luxx,”
He held my checks and kissed my forehand.
ARGH!
Did he literally kiss me?!
Hindi ko na maramdaman ang tuhod ko.
“I don't need your answer for now. Just enjoy your meal with me and let's savor every second while we're together without thinking about what others will say.”
A beautiful melody of violin e
choed throughout the whole dining area. I saw Pablo playing his violin while nakangiting nakatingin sa aming dalawa.
Oh gosh. This can’t be real.
Luxx Velasquez, you drove me crazy.