CHAPTER EIGHTEEN

1790 Words
It's been three days since Luxx asked for my permission if he can court me. And as for his will, I didn't give my proper answer to his question. Nahihiya ako and at the same time, ayokong maramdaman n’yang mukha akong patay na patay sa kan’ya. In the past three days, his motive is clearly saying to me na he is serious about his intention. Ligaw nga kung ligaw. Clingy s’ya and he showed me his soft side. “I can't accept that Sid will play with you when you're out of my power. You don't know him yet, he will use you to satisfy his bereavement.” Pinag-iisipan ko pa rin hanggang ngayon kung ano lahat ang ibig sabihin n’ya. At sa tatlong araw na nagdaan ay hindi ako kinontak ni Sid, only Kuya Henry keep in touch on me. “How's he in bed?” Dumaplis ang kutilyo sa daliri ko dahil sa tanong ni Nyx sa likod ko. Wala talagang preno minsan ang bibig n’ya. She is peacefully sitting on the bar stool habang hinihintay akong matapos magluto. Hindi na s’ya umalis sa mansion kasama ko at hindi n’ya na rin ako tinantanan. “What do you mean?” maang na sagot ko sa kan’ya habang hinuhugasan sa faucet ang nasugatan kong kamay. Hindi n’ya naman kita and that's good. Baka maghysterical na naman s’ya kapag nakitang may dugo ako sa kamay. “You know what I meant. Don't tell me na hindi n’yo pa ‘yon ginawa?” she said in a very low voice. Her voice is like an angel pero ang laman ng mga sinasabi n’ya ay napakademonyo. “Hang on, malapit na maluto ‘to.” Hindi ko s’ya pinansin dahil hindi naman namin talaga ‘yon gagawin. Napasimagot s’ya at napahalumbaba sa harap ko. “Hindi pa rin ba kayo nagbabati? I've noticed na hindi kayo magkasama matulog.” That's true, I'm using Luxx’s room while Luxx is sleeping in one of the guest rooms. Hindi s’ya nagpumilit magsama kama sa iisang kwarto and he also insisted na I should used his own room. Alam na alam n’ya talaga kung paano lumandi ng babae. “We’re not used sleeping in the same room,” balewalang sagot ko at isinerve na ang pagkain. Wala s'yang alam sa pagluluto or even sa gawaing bahay kaya ako ang nagprepare ngayon. Hindi ko rin puwedeng asahan si Renz at Pablo dahil lagi silang may mission, lalo namang impossibleng hihingi ako ng tulong kay Luxx sa pagluluto. “Or else you're not in a serious relationship.” Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Nyx, pinagdududahan n’ya na ba kami? “Bakit Nyx? Ikaw? Nasaan boyfriend mo?” Nakita ko naman na napaiwas s’ya ng tingin sa akin. “Tatlong araw ka na rito, hindi ka ba n’ya hinahanap?” Kita ko kung paano lumungkot ang mukha ni Nyx. “Wassup mga chikababes!” Automatiko akong napaikot patalikod nang sumulpot si Renz. Manggugulo lang s’ya dito e. “Tibay mo, andito ka pa rin?” bati n’ya kay Nyx na nakabusangot na naman ang mukha. Kahit gano’n, napaka ganda n’ya pa rin. Kinuha ni Renz ang plato sa harapan ni Nyx at s’ya ang kumain. “Hindi ba kami gegerahin ng jowa mo? Umuwi ka na kaya? Di ako mapakali kapag nandito ka e.” Bigla naman akong nacurios, sino ba ang boyfriend n’ya? Sa t’wing bubuksan ko ang topic na ‘yan ay tatahimik na lang s’ya kaya hindi ko mahunta. “He doesn't love me,” Nyx said in a very disappointed tone. “Aysus, sus! Tigilan mo’ko Nyx, umuwi-uwi ka at hindi pa ako ready makita ang jowa mo.” Natapos kaming kumain ng tanghalian na walang imik si Nyx habang si Renz ay gano’n pa rin, napaka-ingay. Wala ngayon si Luxx at Pablo, may important daw silang inaasikaso sa kabilang bayan. Iniwan ko si Nyx na nagmumukmok sa mansion at ako naman ay lumabas para makapaglakad-lakad med'yo pahapon na rin kaya masarap maglibot-libut. Habang naglalakad sa labas ng gate ay may nakita akong isang pulang kotse sa ‘di kalayuan. Hindi bukas ang makina no’n, nakakapagtaka dahil bakit iiwan ang kotse na ‘yon sa tabi ng kalsada. “Miss Carol.” Literal na napatalon ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang lalaki sa likod ko. “Julio!” Binungaran n’ya ako ng isang malaking ngiti. “Tama nga ang aking hinala, na nandito ka.” Napangiti rin ako dahil masaya ako na makita s’ya. Mabait na tao si Julio at wala akong problema sa kan’ya. Hinigit ko s’ya sa isang parte na malayo sa mansion, sa isang burol. Hindi puwedeng makita s’ya ni Luxx kasi ano mang oras ay darating na s’ya kasama si Pablo. “Julio, mabuti naman at napadalaw ka. Kumusta ang hacienda?” Payapa pa rin itong nakangiti sa akin at pinagmasdan ang papalubog na araw. “Hinahanap ka nina Emma at Ruth, nasanay na rin sila na may isang magandang dilag sa hacienda.” Pabiro ko naman s’yang tinapik. “Si Sid, kumusta s’ya?” Hindi ko maiwasan na tanungin si Sid sa kan’ya dahil natatakot ako na baka kinokontak na s’ya ni Dad at ibuko akong nasa puder ako ni Luxx. Dahil alam ko naman na ipinaalam na ni Luxx kay Sid na may relasyon nga kuno kami. “Busy s’ya sa pagiging bise, may kakaunting naging problema sa loob ng embroidery kaya ilang araw na rin s’yang namomroblema.” Lihim akong napalunok. Ano na kayang ginawa ni Bea? Napakagaling pa naman n’yang umarte at hindi na imposible sa kan’ya na manipulahin ang mga bagay-bagay sa loob ng business. Napatango-tango ako sa sinabi ni Julio. “Alam kong magagawan n’ya ng paraan ‘yon, sabi n’yo nga. Matalinong bata si Sid, maliit na bagay na ‘yon para sa kan’ya.” Magkatabi kami na nakaharap sa papalubog na araw pero may nararamdaman akong tens’yon mula sa kan’ya. “Kilala mo ba kung anong klaseng tao ang kinakasama mo ngayon.” Nanigas ako sa narinig. Hindi ko ipinahalata sa kan’ya na medyo kinabahan ako. “Oo naman, Julio. Mukha naman s’yang mabait, hindi nalalayo kay Sid.” ‘Yon na lang ang nasabi ko dahil wala naman akong magagawa kun’di sumunod sa gustong mangyari ni Luxx. Ang kaninang nakangiting mukha ni Julio ay napaltan ng pag-aalala. Bakit? Sasabihin n’ya ba na masamang tao si Luxx? Pero si Luxx ay gano'n din ang sinasabi laban kay Sid. “May gusto akong ipagtapat sa’yo.” Napataas ang isa kong kilay. “Sa labing anim na taon ay namuhay si Eden sa Hacienda de Venice habang ang tatay mo ay nasa Manila.” Tama naman ‘yon, isang beses sa isang taon ko lang makita si Mom. May pagkakataon pa na dumadaan ang taon na hindi talaga dahil tutol si Dad. “Naghiwalay si Richard at Eden bago ka ipinanganak at ako ang katuwang ni Eden sa labing anim na taon na ‘yon habang lumalaban s’ya leukemia.” Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam na s’ya pala ang and’yan para kay Mom pero ramdam kong hindi lang do’n natatapos ang ibig n’yang sabihin. “What are you pointing, Julio?” takang tanong ko. Napabuntong hininga s’ya at mas tinitigan ako. “Nagkaro’n kami ng relasyon ni Eden.” Para akong nabingi. Saang lupalop n’ya nakuha ang ideya na ‘yan? “Wala ako sa mood makipagbiruan sa’yo,” iritang sagot ko dahil hindi kayang tanggapin ng tenga ko ang sinabi n’ya. May kinuha s’ya sa kan’yang bulsa, isang pitaka at binuksan ‘yon. Tumambad sa akin ang isang maliit na litrato nila dalawa ni Mom at isang batang nasa apat na taong gulang. Hindi ako magkakamali na ako ang batang ‘yon. Kinuha ko ‘yon at mas inis na binalingan s’ya. “Ano ba ang gusto mong mangyari? Bakit sinasabi mo ‘to sa akin ngayon?” Hindi ko na matandaan kung kelan nangyari ang pagkuha ng litrato na ‘yon dahil napakabata ko pa do’n. Maaaring kinuha ang picture na ‘yon nang minsang bumisita ako sa hacienda. “Dahil karapatan mong malaman,” sagot n’ya. Nagusumot ko ang hawak na picture at galit na galit s’yang tiningnan. “Ipinaparating mo bang kahit kailan hindi minahal ni Mom si Dad? Dahil ano? Nand’yan ka?” Pikang-pika ako sa nangyayari. Hindi s’ya kumibo at hinayaan lang akong magsalita. “Hindi gagawin ni Mom na paltan si Dad, nagawa n’ya lang na humiwalay kay Dad dahil hindi sila magkaayos sa business. ‘Yon lang ‘yon,” katwiran ko. “Tandaan mo ‘to, Mom didn't leave me with Dad just for you. Sad’yang nagkasundo lang sila na lalaki ako sa puder ni Dad.” Para akong sasabog sa halo-halong emosyon pero nangingibabaw ang galit sa akin. Nahihibang na ba s’ya para gawin sa akin ‘to. Malungkot n’ya akong tiningnan habang ako ay hindi na magkaintindihan na sigawan s’ya. “Don't look at me like that, Julio. I don't need your pity!” “Kaya ko rin ipinaalam ito sa’yo ay para maliwanagan ka sa mga bagay na ipinagkait sa’yo.” Do’n ko s’ya naitulak ng mahina. “Are you out of your mind, Julio? Maliwanagan sa mga bagay na ipinagkait sa akin? I'm not an orphaned or something para sabihin mo sa akin ‘yan.” Kitang-kita ko kung paano naghahalo ang lungkot, kaba at awa sa mukha ni Julio. “Anong pakulo mo ba ‘to kasi hindi nakakatuwa.” “Ginagawa ko lang ‘to para sa’yo at kay Sid.” “For Sid? Did he tell you to make up stories to distract me while I'm here?” Madilim na ang paligid at nahihirapan na rin akong maaninag s’ya pero kita ko kung paano s’ya umiling. “Quinn!” Rinig ko ang sigaw sa ‘di kalayuan. “Wala akong ginagawang kwento at labas si Sid dito pero sana bumalik ka kay Sid. Tulungan mo s’ya dahil kailangan ka n’ya.” Hindi ko s’ya magawang masagot dahil nangingilid na ang luha ko sa galit. “Nasaan ka ba Quinn? Gabi na, gawain ba ng isang babae ‘yan!?” Si Renz na namamalakat. Papalapit nang papalapit ang boses sa kinaroroonan namin. “Hanggang sa muling pagkikita natin.” Mabilis s’yang nawala sa paningin ko. F*ck, Julio! Mom, how do you explain this? Kaya ba pinagbawalan ako ni Dad na makasama ka dahil mas pinili mo si Julio kesa sa akin? Bakit hindi ko maramdaman na nagsisinungaling lang s’ya? Parang nawala ng isang iglap ang lakas ko sa tuhod at napaupo sa lupa. “No, no, this can't be real.” I heard Luxx shout in the distance. “Quinn!” Luxx…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD