"Huh?”
‘Yon na lang ang aking nasabi matapos n'yang bitawan ang linyang iyon.
Nagkibit-balikat s'ya at ibinaba na ang baril. “I'm the jealous type of guy, especially of what Sid achieved that I don't have.”
“So, it's like a competition?” sarkastiko kong tanong.
“You can say that,” sagot nito sa mababang tono at tumalikod na sa akin.
“We share the same face but I've got more than what he had.”
Itinaas n'ya ang kanyang kaliwang kamay at isinarado iyon sa ere. Biglang lumapit naman sa akin ang dalawang ulupong na kanina pa ngiti nang ngiti.
“Boys, clean the mess and prepare the table for dinner.”
Mabilis s’yang nawala sa paningin ko. Napabuntong hininga ako at napahilamos sa aking mukha. Ano ba ‘tong pinasok ko? Bakit naiipit ako sa away nung magkambal.
When I saw him turning his back, It's also a sign na nakatali na ako sa kanya. Wala akong nagawa and that idea keeps on bugging me.
Sumagi na naman sa akin ang mukha ni Luxx at mabilis akong napapadyak dahil sa inis.
“Aray!”
Napunta naman ang tingin ko sa nagsalita. Tumambad sa akin ang mukha no’ng nagtakip ng panyo sa bibig ko. Bigla ko s’yang binigwasan.
“Hoy! Shutak—“
Hindi ko s’ya tinigilan at binatukan lang s’ya. Halos mamatay ako sa takot dahil sa kanya. Saka sino s’ya para sigaw-sigawan ako sa gubat ha!
“Teka! Ano bang ginawa ko—“
Lalo kong nilutungan ang hampas sa kanya.
“Anong ginawa? Ha? Ganti ko ‘yan sa’yo! Napakademonyo mo! Paano mo nagawa ‘yon sa isang babae!”
Todo iwas ito at mabilis na pumunta sa matandang lalaki na nakangiting nakatingin sa akin.
“Isa ka pa!”
Bubulusok na sana ang konyat ko sa matanda pero pinigilan ko ang sarili at napapikit sa inis dahil hindi ko s’ya masaktan.
“Mabuti na lang may natitira pa akong respeto,” bulong ko at mas inasbagan ‘yong lalaking tatawa-tawa sa likod ng matanda.
“Pablo, Luxx’s butler.”
Wala akong ganang tumingin sa lalaking matanda nang magsalita s’ya.
“At ito naman si Renz, kaibigan ni Luxx.” Turo n’ya sa lalaking hihimas-himas sa batok n’ya na tantsa kong edad ay mga twenty years old pataas.
Muli akong napabuntong-hininga at tumango na lang. Hindi ko alam kung paano ko sila pakitutunguhan dahil galit ako sa kanila. Bigla ko namang napagtanto na hindi na rin naman ako naiiba sa kanila dahil magtatrabaho na rin ako para kay Luxx.
Ramdam kong natibok na ang ugat sa aking utak dahil sa stress.
“Ehem—“
Tinarakan ko ng mata ‘yong Renz at medyo lumayo na sa kanila.
“Sungit ah, ‘wag ka ngang gay’an! Kawork-mate na kita sapol ngayon, no.”
Hindi ko s’ya pinansin at inilibot ang tingin muli sa paligid. May mga ilang portrait ng aso ang paligid. Medyo maliliit ang frame na halos hindi ko na rin makita ng ayos dahil sa kakaunting liwanag na meron dito.
“Tama si Renz, pamilya na dapat ang turingan natin sa isat-isa.”
Napailing ako sa sinabi ni Pablo, mga sixty years old siya.
“I just wanted to let you know that I am not willing to do this s**t. Wala akong choice kung hindi sundin ang amo n’yo,” sagot ko na mas kinangiti lang no’ng dalawa.
“Huwag lang ako makakakuha ng pagkakataon na makataas sa puder n’yo dahil isusuplong ko talaga kayo sa mga pulis.”
Buong tapang ko ‘yong ibinato sa kanila pero wala silang pake sa sinabi ko para pa nga silang tuwang-tuwa sa presensya ko.
“Wala kaming magagawa kung ‘yan ang gusto mo pero isa lang ang gusto kong sabihin.” Kinuha ni Pablo ang isang dust pan at winalis ang mga malilit na pirasong nabasag kong vase at mga gabok na nagkalat.
“Gawin mo lahat ng iuutos n’ya at magiging ligtas ka…”
Hindi s’ya nakatingin sa akin at seryoso lang na nagwawalis habang si Renz ay pinupulot ang malalaking pitak ng vase na nabasag gamit ang kan'yang kamay.
“…at sana ito na ang huling pagkakataon na makakabasag ka,” patuloy ni Pablo habang si Renz naman ay napapailing na natatawa.
Bakit ba tawa nang tawa ang mokong na ‘to. Nakakaasar na.
“Hindi ko ‘yan sinasadya. Natakot lang ako,” sumbat ko.
Tumingin sa akin si Renz. “Ahh, talaga? Kase itong nabasag mo, lagayan ng abo ng namatay na aso ni Boss.”
Literal na napabagsak ang panga ko sa gulat. “Anong sabi mo?”
“Hmm, balik ko sa’yo ‘yong sinabi mo. Kapag ba nabaril ka ni Boss at sanabi n’yang hindi n’ya sinasadya, okay lang sa’yo?”
Napatakip ako sa aking bibig at napatingin sa dust pan na hawak ni Pablo. Hindi pala gabok ‘yon. The heck!
Narinig ko ang tawa ni Renz. “Buti talaga hindi ka binaril.” Saka na ito humagalpak ng tawa.
Hindi ko naman alam kung magu-guilty ako o ano pero kasi…. Hays.
Muli ako napatingin sa mga frame na nakasabit sa dingding at nakita ang isang portrait ng isang german shepherd. “Sorry,” bulong ko.
“May utang ka kay Boss, Carol. Kaya pagood-shot ka ha!”
Hindi pa rin ako tinantanan ni Renz at halos mamula na katatawa.
“Miss Carol, may nakahandang pagkain na sa lamesa. Kumain na tayo, malalim na rin naman ang gabi at para makapagpahinga ka na ulit.”
Tumango ako sa sinabi ni Pablo at sinundan s’ya.
Wala sa wisyo akong umupo at hinayaan ko lang s’yang maghanda ng hapagkainan. Biglang pumasok sa’king isipan na kumusta na kaya sina Sid at Julio? Hinahanap kaya nila ako? Si Emma at Ruth, alam kong nag-aalala na sila.
Ang kailangan ko lang naman gawin ay tulungan si Luxx na makabalik sa kanya si Bea, hindi ba? Wala naman sigurong masama do’n, kakausapin ko si Sid ng maayos para matapos na ‘to.
“Kain na.”
Nakita ko naman si Renz nakapwesto na rin at sinunggaban na ang pagkain sa harap kaya gano’n na rin ang ginawa ko.
Unang higop ko pa lang sa sarsa ng ulam ay napapikit na ako sa sarap…
Sarap magmura.
“Anong klaseng luto ng menudo ‘to?”
Napatingin naman sa akin ang dalawa.
“Afritada ‘yan.”
Napabuga ako ng hangin sa sinabi ni Renz.
“Ikaw ba nagluto neto? Bakit ganito lasa?” asbag na tanong ko kay Renz.
“Bakit ba? Ayos naman a,” sagot nito sa akin at saka ulit sumubo.
“Parang magkakasakit ako sa bato. Ang alat na mapakla,” sumbat ko kasi hindi talaga masarap. Paano nila nalulunok ‘to?
“Matapos mong ikalat ang katawang polboron ni Wiggle sa floor, lalaitin mo naman ngayon ang luto ni Boss.”
“Huh?”
Napamaang na naman ako sa linya ni Renz. Binggo na ako.
“Quota ka na Miss Carol,” saad ni Pablo sa tabi habang kinakain ang afritada ni Luxx habang katabi ang isang teddy bear. Bakit may teddy bear do’n?
Gusto ko ng balutin ng lupa dahil sa hiya.
“Hindi naman n’ya rinig,” singhal ko kasi pati ako ay natatakot na rin sa kayang gawin ni Luxx. Hindi kasi imposble para sa kaniya na saktan ako lalo pa ngayon na may kasalanang brutal akong nagawa. Sorry talaga, Wiggle.
“You’re the one who’s in charge in the kitchen starting tomorrow. That’s your first job, Quinn.”
Literal na nanigas ako sa aking kinauupuan.
“L-luxx, and’yan ka pala.” Halos matameme ako nang tumabi ito ng upo sa akin at nagsimula nang sumandok ng pagkain sa kanyang pinggan. Kitang-kita ko naman ang ilang butil ng tubig na natulo mula sa kaniyang buhok. Halatang naligo s’ya.
“Nako, Boss kung ako sa’yo? Ma-o-offend ako.”
Pinandilatan ko ng mata si Renz na ngayon ay parang batang dumila sa akin.
“Make sure to exceed my expectations, Lady.”
Napatango na lang ako at pilit nilunok at inubos ang pagkain sa harap.
Argh!
“Siguraduhin mo raw na alam mo ang pinagkaiba ng menudo sa afritada,” asar na turan ni Renz saka ulit humagalpak ng tawa na
may pagpalo pa sa lamesa.
Wala namang pake si Luxx sa ingay ni Renz at nagpatuloy lang sa pag-nguya. Akala ko pa naman sasawayin.
Mamaya ka sa aking tipaklong ka.