CHAPTER SIX

1369 Words
Pagkagising ko pa lang ay sumalubong na sa 'kin ang napakalungkot na atmosphere sa tinatawag nilang HQ. Maliit lang ang kwartong tinuluyan ko. Magkakatabi ang kwarto namin nina Renz at Pablo. Hindi ko alam kung saan ang kwarto ni Luxx dahil medyo ilap s'ya sa amin siguro dahil sa nakakahiyang nangyari kagabi. Napakaagang magising ng mga tao sa HQ. May mga ilang grupo ng lalaki ang nakita ko sa may kusina, paniguradong mga tao ni Luxx pero agad akong umiwas. Nagpunta ako sa garden area at do'n sinimpat ang buong katayuan ng HQ. Maliit lang talaga pero napapalibutan ng matataas na pader na gawa sa bato. Hindi ko rin alam kung gaano ito kalayo sa Hacienda de Venice. Mabilis akong nagtago nang may nakita akong dalawang lalaki na papunta sa puwesto ko. May mga dala-dala silang mga sigarilyo at parang mga kapreng hinihipak 'yon. "Wala na talagang pag-asa ang magkambal." Ginamit ko ang malaking nagtatayuang halaman at isiniksik don ang katawan. Umupo 'yong dalawang lalaki malapit sa akin kaya naman rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila. "Isang vice mayor at gang leader? Umasa ka pang magkakaayos sila," tatawa-tawang saad nung isa. Nangunot ang noo ko. Vice Mayor pala ng Alfonso si Sid? "Para silang tubig at langis," dagdag na turan pa nung isa. "Sa tingin mo? Kung ibinigay na lang ni Sean Montecer si Luxx walong taon ang nakakaraan, hindi sila hahantong sa ganito?" Sean Montecer. Base sa kung paano nila pag-usapan si Sean Montecer ay malaking tao 'yon. Saka anong nangyari walang taon ang nakakalipas? Napangisi naman 'yon lalaking may tattoo sa kan'yang kaliwang buong kamay. "Hindi natin masasabing mali si Sean Montecer dahil s'ya ang nagligtas sa batang Luxx noon. Kung hindi kinupkop ni Sean si Luxx ay paniguradong patay na s'ya at lalong babagsak ang reputasyon ng mga Velasquez." Bigla akong naguluhan sa kwento no'ng lalaki. "Sabihin mo na lang na kung hindi inatake sa puso ang nanay nilang si Diana ay kompleto pa sila ngayon." Napatango-tango ako sa lahat ng nalalaman ko. Napatawa silang pareho. "Baka kamo kung sinabi na lang ni Vice Mayor ang tunay na nangyari sa kanila eight years ago sa Lexington Hotel ay kompleto pa sila ngayon." Naghagalpakan sila sa kakatawa. Medyo kulang pa ang kwento kaya hindi ko lubusang magets ang nakaraan nang magkambal. Nag-unat 'yong isang lalaki at tumayo. "Kung hindi lang din nabaril ang tatay nilang si Mayor Albert ay paniguradong pare-parehas tayong wala sa sitwasyon na 'to." Mahinang napatango 'yong lalaking puno ng tattoo sa kamay. "Baka nasa Manila ako ngayon at nakikipagsapalaran," tugon n'ya. "Sobrang gulo at nakakaawa ang buhay ng magkambal, swerte ko na lang na hindi sutil ang mga kapatid ko." Binatukan naman no'ng isa 'yong tumayo. "Javier, ayusin mo nga 'yang lumalabas sa bibig mo baka may makarinig sa atin." "Mamatayan ka kaya ng magulang sa edad na seventeen, sa tingin mo ba may dahilan ka pa na makipagbati sa kapatid mo?" dagdag pa n'ya. "Sila-sila lang din naman ang may dahilan kung bakit namatay ang kanilang mga magulang. Kaya naglaho na parang bula ang reputsyon ng mga Velasquez sa Alfonso," rebat ni Javier. "Anong nawala? Binuhay 'yon ni Vice Mayor Sid saka ni Boss Luxx sa masamang paraan nga lang. Taon na rin ang binilang na laman sila ng usapan," sagot ng kausap ni Javier habang paubos na ang kan'yang pangat-pangat na sigarilyo. "Alam mo ba ang bansag ng mga tsismosa sa kambal? Ang tagumpay at pagkakamali nina Albert at Diana." Hindi tumugon ang kausap ni Javier kaya napatingin ito sa kausap at nakakalokong ngumit. "Ikaw Gian? Sa oras ba na bumalik si Sean Montecer, papanig ka sa kan'ya?" Ibinato ni Gian ang hawak na sigarilyo sa malayo at napaisip. "Ang tanong lang naman d'yan, sino ba ang naglagay sa katayuan natin ngayon? Sino ang mas kinikilala nating ama ng Inferno?" "Hoy!" Biglang namalakat si Renz sa 'di kalayuan. "Kung sa'n sa'n ko na kayo hinanap, d'yan lang pala kayo nagkukumpulan." Nag-ayos si Gian at Javier. "Nand'yan na ba si Bossing? Ready na ako sa bagong mission e. Nakakasawa rin naman maghandle ng mga underground battle fights ni Boss." Nag-inat si Gian habang sinasalubong ang katawan ni Renz na may dala-dalang bote ng softdrinks. Napaka aga naman ng softdrinks nito. "Kaya nga, saka nakakairita na rin makipag-usap sa mga tsinong kliyente ni Bossing. Ang metitikoloso sa mga baril at bala. Babaratin lang naman ang presyo," banat naman ni Javier. "Rereklamo n'yo! Ako nga, nagdamit babae para lang maclose namin ang deal sa casino no'ng nakaraang linggo sa mga manyakol na mga hapon 'yon." Biglang napayapos si Renz sa kan'yang katawan at pekeng umiyak. "Inalipusta at binaboy ako ng mga matandang hapon para lang sa punyetang bet na 'yon." Nagkatinginan naman 'yong dalawa sabay napatawa. "Malabo pa sa sabay ng pusit na patulan ka ng mga 'yon." Mangiyak-iyak si Javier. "Balita ko nga, kahit lapatan ka ng tingin hindi nila nagawa." Halos mamula na katatawa si Gian. Kitang-kita ko naman kung paano naglabasan ang mga ugat sa mukha ni Renz. "Para kang tae sa casino, nilangaw at nilayuan." Nag-apir pa 'yong dalawa. Napatawa rin naman ako dahil konti na lang ay bibigay na si Renz. "Umalis na nga kayo rito, hinihintay na kayo ni Boss baka 'di ko kayo matantsa. Makurot ko pa 'yang eyeball n'yo." Naghahampasan si Gian at Javier na umalis sa harap ni Renz. "Kala mo mga gwapo," bulong ni Renz. Napatakip naman ako sa bibig no'ng nakita kong nangingilid na ang luha n'ya. Hindi ako makahinga kakatawa kaya mabilis na rin ako umalis sa tinataguan ko. "Deserve," bulong ko at humagalpak ng tawa. ~*~ Ang dating Mayor na si Albert at asawang si Diana ay nagkaroon ng kambal na anak, Sid at Luxx. Ngunit may nangyari eight years ago about sa kambal, may hindi sinabi si Sid sa kan'yang mga magulang na hindi sana magpapalala sa nangyari noon. Malakas ang kutob kong malaking aksidente 'yon base sa usapan ni Gian at Javier. Dahil hindi kukopkupin ni Sean Montecer si Luxx kung hindi napahiwalay s'ya napahiwalay sa kan'yang mga magulang. Namatay si Albert at Diana sa kamay ng kambal? Doon ako napasapo sa aking ulo, posible ba 'yon? Bakit naman nila papatayin ang sarili nilang mga magulang? Sean Montecer. Sino s'ya? Malaki ang naging role n'ya sa buhay ni Luxx. Hindi malalayong si Sean din ang dahilan kung bakit nasa ganitong mundo si Luxx. Sobrang tagal na ng eight years. Mahirap na sa akin na makahanap pa ng information. Pero at least ngayon ay medyo naliliwanagan na ako sa nakaraan ng kambal. Lagpas alas dose na ng tanghali at naandito ako sa ilalim ng nara malapit sa HQ at iniisip ng mabuti ang lahat ng narinig ko. Tumakas ako at napadpad dito. Pabundok na part na ito at natatanaw dito ang Alfonso. Nasisiguro kong malapit-lapit na rito ang Cafe Agoncillo kung saan namin nakita si Bea nang gabi na 'yon. May S at L na letra ang nakaukit sa puno ng nara. Sid at Luxx. Nasa itaas ng letra no'n ang mga katagang Papa Albert at Mama Diana. Kitang-kita ang kalumaan no'n bigla namang gumuhit ang lungkot sa akin. Meron pang mga ilang words sa puno na nakaukit tulad ng S at N at ang iba ay hindi ko na nabasa dahil sa katagalan. Dati silang masaya at kompletong pamilya pero parang sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat? Naisip ko si Luxx, hindi naman siguro s'ya talagang masamang tao. Baka binago lang talaga s'ya ng nangyari sa kaniya walong taon ang nakakaraan. Si Sid? Baka hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin s'ya sa pagkawala ng kan'yang mga magulang at baka namimiss n'ya na rin si Luxx. Napabuntong hininga ako at napatingin sa isang puno 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. "Who's that?" bulong ko at mas tinitigan pa ang tingin do'n. Hindi ko maaninag ang buong mukha n'ya pero ang buhok n'ya ang pumukaw sa akin. Light brown 'yon at wavy na hinahangin ng malakas na hangin. Mabilis din d'yang umalis at nawala sa paningin ko. Sino s'ya? Hindi ba private property 'to, ba kit s'ya nakapasok dito? Napailing ako sa iniisip dahil baka bisita lang ni Luxx at naligaw lang din sa parte na 'to tulad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD