Tama nga si Leslie. Halos maghapon ngang hindi napagkita si Mam Leah sa department namin. Tapos nung dumating siya nang bandang alas tres ng hapon, halatang pagod na siya at malalim ang iniisip. “Meryenda tayo, Stella?” narinig kong yaya ni Leslie. Lumingon ako sa likod para tingnan kung sino ang pwedeng pagpaalaman sa mga staff na naroroon. “Nagpaalam na ako kanina kay Mam Arlyn nung hinatid ko sa kanya iyong mga folder galing sa mga group secretaries.” Tumango ako at saka binitbit ang maliit na bag na pinaglalagyan ko ng baon ko bago ako tumayo. May mga nakasabay kaming mga ahente pagpasok namin sa elevator. “Ano kaya'ng verdict?” “Ewan natin. Pero malamang ‘yan, tsugi silang dalawa o ang isa sa kanila,” sagot naman nung isa. “Naku, kawawa naman si Noreen… Single parent pa na

