Halos maga-alas dos na ng hapon natapos ang meeting ni Brandon sa mga Marketing Manager. Kaya pala umoorder na ng pananghalian, kasi kung ganito katagal ang meeting n’yo at gutom ka, hindi mo na magagawang mag–isip. Nagmamadali na akong tumayo. Kanina pa kasi ako naiihi, pero hindi ko naman magawang mag-CR dahil hindi ko maiwan ang meeting. Baka may hindi ako maisama sa minutes, pagalitan na naman ako ni Mr. Sungit. Sa totoo lang, mas masungit pa siya sa Tatay ko. “Stella!” Napahinto ako sa paglalakad. Si Mam Leaah pala ang tumawag sa akin. Nakangiti siya habang naglalakad palapit sa akin. “I’m impressed!” sabi niya nang makalapit na siya sa akin. Sakto naman na dumaan si Brandon sa gilid namin. Sigurado naman akong narinig niya ang sinabi ni Mam Leah. Hindi naman pabulong ang pagk

