Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina ko pa kasi nararamdaman ang pagba-vibrate ng telepono ko sa bulsa ng palda ko. Pasimple ko iyong dinukot at saka tiningnan iyon sa ilalim ng mesa. From: Leslie Girl. Ano? Try mo pumuslit diyan. From: Leslie CR ka lang kamo. From: Leslie huy! Stella!! Iyong huling text niya ay may sad emoji pa. Lihim akong napabuntong-hininga. Saan kaya ipinaglihi si Leslie ng Nanay niya at saksakan ng kullit? Muli kong ibinulsa ang telepono ko at nakinig sa ongoing na diskusyon nila Brandon at ng Marketing managers. Manaka-naka ay nagsusulat ako sa notebook ni Ms. Cathy. Sana lang ay tama itong mga isinusulat at ginagawa ko. Marketing naman kasi ang course ko, at hindi Secretarial. Ewan ko ba sa Mr. Sungit na ito at masyado akong pinahihirapan sa OJT ko. Ma

