Nakatitig ako sa monitor ng screen ng computer ni Ms. Cathy. Wala na kasi akong ginagawa. Nagawa ko na lahat ng mga ibinilin sa akin ni Ms. Cathy na dapat kong gawin. Ayaw ko namang pakialamanan ang ibang mga files niya dito sa computer niya. Baka may magalaw at mabura pa ako. Tiningnan ko ang oras sa ibaba ng screen ng monitor ng computer. Bente minutos na lang at mag-alas diyes. Mayamaya lang ay lalabas na si Brando mula sa kuwarto niya para mag-attend ng meeting ng Marketing heads niya, pati na si Mam Leah. Alas-diyes kasi ang nakalagay na oras nun base sa itinerary niya. Rrriiiinnnngggg…. “Good morning! Thank you for calling CEO's Office. This is Stella on the line, how may I help you?” Sa halip na matinong sagot mula sa kabilang linya ay hagikgik ang narinig ko. Napakunot

