At dahil umuwi rin naman ng maaga si Brandon sa araw na ito, literal na nairaos ko ang araw na ito na hindi kami nagkakabanggaan ni Brandon. Medyo nalungkot lang ako, kasi ako lang mag-isa ang naiwan sa palapag na iyon sa loob ng kalahating araw. Parang gusto ko ngang maiyak kanina dahil wala man lang akong makausap. Natutukso na nga akong tawagan si Leslie at paakyatin dun para may maka-kwentuhan man lang ako. Kaso, naalala ko iyong sabi ni Ms. Cathy na from time to time, kapag maisipan, ay sumisilip si Brandon sa CCTV. Baka sa halip na ako lang ang mapaalis ni Brandon, madamay pa si Leslie. Naku, lagot ako sa nanay nun! Actually, naisip ko rin na ako na lang ang bumaba sa Marketing Department. Pero natakot ako na baka may sumalisi sa akin at may mawala sa opisina ni Brandon, lalo akon

