CHAPTER 16 - ONE BOX OF "C"

1780 Words

"May specific bang sabon na kailangan kong gamitin sa paglaba dito sa damit niya?” tanong ko kay Ms. Cathy. Napamaang si Ms. Cathy, tapos ay umiling. “Ah! Wala akong idea. Mga pagkain at kinakain lang niya ang alam ko. Hindi naman namin napag–uusapan ang bagay na iyan at hindi ko naman siya naipaglaba dito sa company kahit minsan.” Nagbaling ako ng tingin kay Sir Egay. Hindi ko pa naibubuka ang bibig ko ay may sagot na agad siya. “Oh? Wala rin akong alam. Hindi ko naman nakakakuwentuhan iyong naglalaba kay Sir sa townhouse niya,” alertong sagot niya sa akin. Nagbuga ako ng hangin. “Bahala na nga!” Pagkasabi ko nun ay tumunog ang elevator. Sabay-sabay kaming napatinging tatlo sa direksyon nun. Iniisip ko na baka si Mam Remy na ang lulan nun dahil pinaaaga nga ni Brandon ang sche

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD